Perpetual spikers naka-sentro sa pagdedepensa ng NC volley crown

MANILA, Philippines - Handa ang Perpetual Help na maidepensa ang kampeonato sa men’s at women’s division sa 88th NCAA indoor volleyball.

Magsisimula ang laba­nan sa Martes sa The Arena sa San Juan City at ang  Perpetual ay naghayag ng kanilang masidhing ha­ngarin na mananatiling suot ang kanilang mga titulo.

Bago ito ay hinirang na kampeon ang Perpetual sa dalawang dibisyon sa beach volleyball na kasama sa first semester games at isinagawa sa Subic Bay Freeport.

“We’ll do our best again to try and win the cham­pionship,” wika ni Lady Altas coach Mike Rafael.

“I believe we are capable of defending out title for as long as we keep working hard and believing on each other,” ani naman ni Altas coach Sammy Acaylar.

Unang laban ng Lady Altas ay kontra sa Mapua Lady Cardinals na gagawin matapos ang sukatan ng multi-titled San Sebastian at San Beda.

Si Frank Gusi, ang kinatawan ng San Sebastian sa NCAA Management Committee, ay naniniwa­lang magiging makulay at maaksyon uli ang labanan sa volleyball dahil sa The Arena na gagawin ang aksyon.

Ang laro noong nakalipas na taon ay ginawa sa Ninoy Aquino Stadium.

“With our games at The Arena, we’re expect nothing but exciting action this year,” wika ni Gusi.

 

Show comments