MANILA, Philippines - Hindi na makakasama ng Philippine Azkals si goalkeeper Neil Etheridge sa AFF Suzuki Cup nang piliin niyang manatili sa Bristol Rovers Football Club.
Ipinahiram sa Bristol ng Fulham, si Etheridge ay nagdesisyon na tulungan na lamang ang bagong koponan na umangat sa League Two.
Ang desisyon ay inanunsyo ng may-ari ng Rovers na si Mark McGhee kahapon.
“Neil has decided he won’t be going to the tournament (AFF Suzuki Cup),” wika ni NcGhee
“Neil is a man in form at the moment. So we’re pleased we’ll have him around,” dagdag ng Rovers official.