POC hindi papansinin ang TRO na hihingin ni GTK para sa eleksyon

MANILA, Philippines - Hindi pahahalagahan ng Philippine Olympic Commit­tee (POC) ang posibleng ipalabas na Temporary Res­training Order (TRO) ng korte na hihingiin ni Go Teng Kok para mapigilan ang eleksyon sa Nobyembre 30.

Sa ‘POC-PSC on Air’ radio program kahapon, sinabi ni POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. na malaki ang posibilidad na masuspindi ang bansa kung susundin nila ang TRO na hihingiin ng athletics president sakaling hindi patakbuhin sa POC presidential race.

Kakalabanin ni Go si Cojuangco na target ang kanyang ikatlong termino.

Hawak ni Go ang desisyon ng Korte Suprema na nagsasaad na hindi nito kinatigan ang naunang apela ng POC sa naunang desisyon ng Pasig RTC na nagsasabing hindi makatarungan ang ipinataw na ‘persona non gra­ta’ sa NSA head noong nakaraang taon.

Nakuha na ng POC ang kopya ng SC decision at binabalak nila na humingi ng motion for reconsideration sa Korte.

“Nakipag-usap na ako sa IOC legal commission at ipi­naalam ang posibilidad na magkaroon ng TRO at sila ang nagsabi na government intervention ito dahil ang de­sisyon ng Supreme Court ay base sa technicality,” pa­liwanag ni Cojuangco.

Pumabor ang Supreme Court kay Go dahil hindi sumipot o di inintindi ng mga abogadong kumatawan sa POC ang kanilang mga kautusan na tugunan ang ilang katanungan patungkol sa kaso.

 

Show comments