Cali, Tagle nangako ng magandang laban sa PXC 34

MANILA, Philippines - Ilang Filipino at Fil-Am fighters ang ba­bandera sa Pacific X-Treme Combat 34 na pakakawalan bukas sa Smart Araneta Co­liseum.

Itataya ni boxer Ale Cali ng Davao ang kan­yang suot na flyweight title laban kay sub­mission specialist Erwin Tagle sa isang five-round bout.

Magsasagupa naman sina Mark Striegl at Harris Sarmiento sa isang five-round, non-title fight .

“Wala akong maipapangakong sub­mis­sion or knockout. Basta ang maipapa­ngako ko lang ay masisiyahan ang mga fans sa laban namin ni Erwin,” sabi ni Cali sa isang press conference kahapon sa Gateway Suites sa Araneta Center.

Nakamit ng 21-anyos na si Cali ang flyweight crown nang talunin si Jesse Taitano ng Guam sa PXC 29 para maging unang Fi­lipino champion sa PXC.

“Kagaya nga ng sinabi ni Ali, talagang ma­tutuwa ang mga manonood sa amin,” sa­got naman ng 34-anyos na si Tagle.

 Sinabi ni Vito Lazatin ng Sports5 na ang PXC 34 na ipapalabas sa AKTV sa IBC13 ang magiging pinakamalaking MMA event na mapapanood ng mga Pinoy fans.

“I’ve always been saying every press con­ference but I’m saying it again, this PXC 34 is the biggest ever because we’re going to the Araneta Coliseum,” ani Lazatin.

Dumalo din sa media conference si PXC champion at The Ultimate Fighter ve­teran John Tuck, nanalo sa kanyang unang la­ban sa Ultimate Fighting Championship kon­tra kay Chinese Zhang Tiequan sa Ma­cau, China.

 

Show comments