ORLANDO, Fla.--Sa kanilang unang apat na laro, ginulat ng New York Knicks ang nakararami nang magpakita ng magandang laro at nagposte ng 4-0 panimula.
Dumiretso ang Knicks sa kanilang pang limang sunod na panalo nang talunin ang Orlando Magic, 99-89, sa likod ng 25 points ni Carmelo Anthony at tig-21 nina J. R. Smith at Raymond Felton.
Hindi pa nananalo ang Knicks ng limang sunod matapos noong 1993-94 season kung saan sila naglista ng 7-0 patungo sa NBA Finals.
‘“Defense, we buckled down,’’ ani Anthony.
Tumipa naman si J.J. Redick ng 18 points at may 13 si Arron Afflalo para sa Magic, may 20 turnovers na ginawang points ng 24 Knicks.
Ito ang pang limang dikit na kamalasan ng Orlando bunga ng hindi paglalaro nina starters Jameer Nelson at Hedo Turkoglu.
Sa Los Angeles, pumukol si Danny Green ng go-ahead triples may 9.3 segundo na lang ang nalalabi, umiskor si Tony Parker ng 19 puntos at tinalo ng San Antonio Spurs ang Lakers, 84-82.
Ito ang unang kabiguan ng Lakers mula ng sibakin si coach Mike Brown.
Umiskor si Tim Duncan ng 18 puntos ay 11 rebounds para sa Spurs, na pinaganda ang kanilang Western Conference’s best record sa 7-1.
Naglista naman si Kobe Bryant ng 28 puntos at walong rebounds para sa Lakers, bumagsak sa 3-5 matapos magtala ng 17 pagtatapon ng bola.
Sa iba pang resulta, pinayuko ng Charlotte Hornets ang Washington Wizards, 92-76; iginupo ng Toronto Raptors ang Indiana Pacers, 74-72; tinalo ng Brooklyn ang Cleveland Cavaliers, 114-101 at hiniya ng Portland Trail Blazers ang Sacramento Kings, 103-86.