McClinton unang Pinay na WBFF champ

OKLAHOMA (via PCSO)--Hinirang na kampeon si Luz McClinton sa World Bodybuilding and Fitness Federation (WBFF) Southwest US Championship na ginawa sa Oklahoma, USA.

Ang kauna-unahang Pinay bodybuilder na nanalo sa Pro Fame Figure World Championship sa USA noong 2010, si McClinton ay nanaig sa batikang health at fitness expert na si Ashley Horner na noong 2001 ay overall figure champion sa NPC West Coast Classic.

May bronze medal pa ang nasabing manlalaro na kilala rin sa pangalan na ‘Mama Luz’ noong nasama sa Pinoy Big Brother na nakuha sa Diva Fitness category.

“Thank you for all your prayers. I offer this victory to all mothers like me and to President Aquino,” wika ni McClinton.

Inaasahang darating siya sa bansa ngayong araw at matapos ang isang linggong pahinga ay tutulak naman patungong Berlin, Germany para sumali sa isa pang kompetisyon.

Bago ito ay naunang nanalo si McClinton sa Phil-Asian Pacific International Body Building Competition na nilaro sa Cebu City.

Show comments