Lim, Santarin sa PBC Youth Masters

MANILA, Philippines - Nagbunga ang solidong paglalaro nina Carl Lim ng San Juan Bowling Association at Bea Santarin ng MTBA nang sila ang lumabas bilang kampeon sa Youth Masters finals sa 41st PBC-PSC-POC Open championships noong Linggo sa SM Center Lanes sa Mall of Asia, Pasay City.

Si Lim ay gumawa ng 8-game series na 1489 para talunin si Miguel Ocampo ng TBAM (1470) at Kevin Cu ng PBAP-Bowlmart (1449) sa boys’ division.

May 1459 si Santarin para isantabi ang hamon nina Gia Oyco ng TBAM-Prima (1420) at Andrea Laureano ng QCBA-Eagle Ridge (1415) sa girls’ side.

Nagpatuloy din ang magandang laro ni 16-an­yos Enzo Hernandez matapos agawin ang liderato sa Class O  all-events.

Ang Hernandez na mula TBAM-Prima at silver medalist sa 2012 Bevida-Storm International Mastes Challenge at sa Asian Youth boys’ doubles event ay may 2132 pinfalls mula a 609 at 639 sa singles, 4020 sa doubles at 464 sa trios.

 

Show comments