Tan, de Leon Senior Masters champ

MANILA, Philippines - Hinirang na kampeon sina Ding de Leon ng Magallanes Bowling Association at Lynn Tan ng Pasig sa men’s at ladies’ Senior Masters division sa pagpapatuloy ng 41st PBC-POC-PSC Open championships kahapon sa SM lanes sa Mall of Asia, Pasay City.

Si De Leon ay nakapagposte ng 8-game series na 1640 pinfalls para manalo kay Joe Cabactulan ng MTBA (1591) at Nilo Penado ng PBA (1572) tungo sa kampeonato.

Napahirapan naman si Tan dahil kinailangan niyang humabol sa ikawalo at huling game.

Gumawa siya ng 219 para maungusan pa sina Nida Lagrisola ng BALP ng tatlong pins at si Girlie Solis ng TBAM Prima ng 34 pins.

Halagang P60,000 at P30,000 ang premyong naiuwi nina De Leon at Tan habang sina Cabactulan at Lagrisola ay nakontento sa P30,000 at P15,000 gantimpala.

 

Show comments