Valdez inagaw ang unahan

MANILA, Philippines - Inagaw ng veteran internationalist Paulo Valdez ang pangunguna sa Class O men’s singles matapos magrolyo ng two-game series na 1291 pinfalls sa 41st PBC-POC-PSC Open championships noong Huwebes sa SM Bowling Cen­ter sa Mall of Asia, Pa­say City.

Binura ni Valdez, mi­yembro ng TBAM-Prima-Timberpro at may hawak rin ng ilang gold medals sa iba’t ibang international competition, ang 1269 iskor ni national bowler Raoul Miranda ng maglista ng games na  632 at 659.

Mahigpit pa rin ang kapit ni Poland-bound World Cupper at national bowler Krizziah Tabora ng TBAM-Prima sa liderato sa Class O ladies’ singles sa pagposte ng 1236 mula sa mga games na 612 at 624.

 

Show comments