Tapos na ang problema ng Younghusband siblings

MANILA, Philippines - Tapos  na ang proble­ma kina Phil at James Young­husband at sa ma­na­gement ng Azkals patungkol sa kanilang pagsali sa AFF Suzuki Cup na gagawin sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre 24 hanggang 30.

Nagkausap na ang mag­kapatid at si team ma­nager Dan Palami at coach Hans Michael Weiss at malinaw na ang da­ting problema na muntik nagresulta sa kanilang pagkasibak sa Pambansang koponan.

“We’ve already spoken to boss Dan (Palami) and coach (Michael) Weiss. Me and James will make sure we communicate on even more detailed le­vel as communication is important,” ani Phil na isa sa pambato ng Azkals.

Naunang nagkaproblema ang magkapatid dahil hindi nila maibigay ang full-time commitment sa pagsasanay sa Pambansang koponan dahilan upang hindi sila naisama sa 1st Philippine Peace Cup na dinomina ng Azkals.

Ang Pilipinas ay magbabalak na maduplika ang naipakita noong 2010 Suzuki Cup nang nakapasok sila sa semifinals.

 

Show comments