Tabora, Rivera namumuro sa PBC Open

MANILA, Philippines - Mainit si World Cup bound Krizziah Tabora nang pangunahan agad ang tagisan sa Open ladies event sa 41st PBC-POC-PSC Open Championships noong Martes sa SM Lanes sa Mall of Asia, Pasay City.

Nagtala si Tabora ng TBAM-Prima ng 1201 pinfalls (612-589) para ma-nguna sa dibisyon kontra kay Asian Youth girls’ Masters champion Alexis Sy (1142).

Si dating world bowling champion Biboy Rivera na kasama ni Tabora sa koponan, ay may 1199 (631-564) para manguna sa Class O men’s singles sa dalawang linggong pa­laro na inorganisa ng Phi-lippine Bowling Congress at suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Boysen, PCSO, Team Prima, F. R. Sevilla Construction at HCG.

Si George Ongkeko ng TBAM-PSB ay may 1170 habang si Mar Serac ng TBAM-Prima ay may 1167 para sa2nd at 3rd place.

Ang di pa gaanong kilala na si Ceasar Muere ang nagdodomina sa Class A men sa 1212 (613-599) habang nasa ikalawa si Ramil Cisneros sa 1211 at si PTBA-PSB bowler Willy Lim ang nasa ikatlo sa 1165.

Ipinakita naman ni Girlie Solis, ang tournament de­puty chairman at panlaban ng TBAM-Prima ang ang­king husay sa 1165 iskor (525-640), upang layuan na sina Adrea Laureano (QCBA-Eagle Ridge) at Rochelle Munsayac (TBAM) sa kanilang 1077 at 1068 sa ladies’ Class A singles.

Show comments