MANILA, Philippines - “I will not leave it to jud-ges to decide, I will go for the knockout,” ang pangako ni Mexican boxing superstar Juan Manuel Marquez na haharap sa Filipino boxing icon na si Manny Pacquiao sa ikaapat na pagkakataaon sa Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas.
“I am going for a knockout,” aniya sa kabila ng hiyawan ng may 1,000 katao sa kanyang pagbisita sa South Texas-Mexico border na Laredo kung saan siya ay inimbitahan upang tumanggap ng pagkilala para sa kanyang mga nagawa sa boksing.
Mayroon siyang pitong world titles sa apat na weight divisions at tinitingala bilang inspirasyon ng mga kabataan.
Iginawad ng lungsod ng Laredo, sa pangunguna ni Mayor Raul Salinas, kay Marquez ang honorary title na President of the Republic of Rio Grande, isang pagkilalang ibinibigay sa mga indibidwal bilang Ambassadors of Goodwill sa “Noche Fiesta” sa Laredo Civic Center ballroom.
Sa mga naunang panayam, sinabi rin ng eight-division world champion na si Pacquiao na plano niyang tuksuhin si Marquez na lumabas at lumaban para ma-knockout na niya.
“I am happy with the good preparation. We should be training now and as soon as we go back to Mexico later today, we will proceed with training,” wika naman ni Marquez sa kanyang paghahanda.
“So you want to knock me out? Same here,” ha-mon pa ni Marquez kay Pacquiao.
Ang unang labang Pacquiao-Marquez noong 2004 ay nagtapos sa draw sa kabila ng pagkatumba ng Mexican legend nang tatlong beses sa unang round.
Sa kanilang ikalawang laban, napatumba rin ni Pacquiao si Marquez sa ikatlong round at nanalo sa pamamagitan ng split decision at isang kontrobersiyal na majority decision naman pabor kay Pacquiao ang naging katapusan ng ikatlong laban noong nakaraang taon.
Hindi pa rin kumbinsido si Marquez at ang kanyang kampo sa dalawang panalo at isang draw ni Pacquaio, kaya ngayon, nais ng Mexican legend na siguruhin ang kanyang tagumpay sa pamamagitan ng stoppage.