Abueva nagpasiklab agad sa Alaska Aces

MANILA, Philippines - Itinuring ni head coach Luigi Trillo si rookie Calvin Abueva bilang isang “game-changer” kung saan niya natulungan ang Alaska sa huling dalawa sa apat nilang panalo sa 2012-2013 PBA Philippine Cup.

Kagaya ng kanyang ginagawa sa amateurs, ang tinaguriang ‘The Beast’ ay nagbigay ng magagandang numero para sa Aces patungo sa paghirang sa kanya bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Sa huling dalawang panalo ng Alaska laban sa Air21 at Barangay Ginebra, nagtala ang No. 2 pick overall ng mga averages na 17.5 points at 10.5.

“He is a ball of energy who brings so much passion to the game for us,” sabi ni Trillo  sa 24-anyos na produkto ng San Sebastian College.

“We are using him at the forward position. We have not even tried him out in the wing or point guard position. I cannot remember a (local) player who could play all five positions,” dagdag pa ni Trillo.

Kung may naaalala si Trillo sa inilalaro ni Abueva, ito ay si resident import Sean Chambers na nagbigay ng mga titulo sa Aces noong  1990s, kasama dito ang Grand Slam noong 1996.

Sa 87-69 panalo ng Alaska laban sa Ginebra noong nakaarang Linggo, humakot si Abueva ng 19 points, 9 rebounds, 3 assists at 1 steal.

 Sa 92-81 pananaig ng Aces kontra sa Express, kumolekta si Abueva ng 16 points at 12 rebounds.

Show comments