Palawan Pawnshop nat’l netfest simula na

PALAWAN , Philippines --Bubuksan nina top seed Andrew Jo­shua Cano at No. 2 Marcen Angelo Gonzales ang kani-kanilang kampanya sa premier division ng Philta Palawan Pawnshop National Championships sa Gov. Socrates Tennis Club sa Puerto Princesa dito.

Makikipagpaluan si Cano kay Allan Gerard Ordinario, habang haharapin naman ni Gonzales si Edward Jae Sagayap sa lower bracket ng 160-player draw sa 18-and-under boys’ category sa event na nilahukan ng mga mahuhusay at papasikat na junior netters ng bansa.

Makakasagupa ni Luke Flores si Kobe Rosario, makikipaglaban si Jose Nicolas Cano kay Andre Santos at magpapaluan sina Francisco Santos III at Robert Theo Acosta sa isa pang laban sa pagbubukas ng six-day tournament na hatid ng Palawan Pawnshop at Technosports’ Ba­bolat.

Ayon kay tournament in-charge Bobby Mangunay, ang iba pang mga laban ay tatampukan ng boys’ 16, 14 at 12-and-un­der classes, girls’ 14 at 12-and-under categories at ang 10-unisex class.

 

 

Show comments