Narito ang mga benepisyo sa pag-inom ng maligamgam na tubig:
1. Para maging regular ang pagdumi – Sa pag-inom ng maligamgam na tubig, mas madali at magiging regular ang pagdumi dahil mas malambot ito at madaling mailabas.
2. Magandang sirkulasyon ng dugo – Ang maligamgam na tubig ay maaaring makapagpabuka ng blood vessel para dumaloy ng mas maayos ang dugo at sustansiya sa ating katawan.
3. Nakababawas ng stress – Ang isang tasang maligamgam na tubig ay nakatutulong para mabawasan ang stress at anxiety.
4. Maayos na tulog – Ayon sa pagsasaliksik, ang pag-inom ng isang tasang maligamgam na tubig ay nakatutulong para ma-relax ang katawan at madaling makatulog.
5. Mabuting panunaw – Ang maligamgam na tubig ay nakatutulong sa maayos na pagtunaw ng kinain. Tumutulong para makapasok ang sustansiya sa katawan.