Kung grabe ang traffic sa Metro Manila, ganito rin sa Davao City. Laging busy ang kalsada.
At lalo pang titindi ang trapik na ngayong ilang araw na lamang at Pasko na. Tiyak na lalo pang darami ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa Davao City.
Kaya kung ang mga taga-Metro Manila ay nagbabaon nang maraming tiis at pasensiya sa trapik, ganito rin dapat ang gawin sa Davao City.
Marami na rin kasi ang populasyon ng Davao kaya grabe ang trapik. Dumami ang sasakyan. Ayon sa report, ang Davao ay may 1,776,949 individuals.
Pero gumagawa ng paraan ang city government para masolusyunan ang trapik. Nagsasagawa ng road widening at ipinatutupad ang Peak Hours Augmentation Bus System (PHABS).
Sabagay, hindi na bago sa mga Dabawenyo ang mabagal na trapiko sa mga lansangan dito.
Nakasanayan na rin ng mga nakararami na ang mga walang lakad ay hindi na kailangang lumabas ng bahay.
Kung hindi man lang importante and lakad eh di huwag nang bumiyahe.
Naimungkahi ng mga taxi driver dito na i-implement na rin ang number coding scheme base sa number ng plaka nito.
Na sa araw na ito pupuwede lang ‘yung may odd-number at sa susunod naman na araw ay ‘yung mga even-numbers.
Ito ay para mabawasan and gumagamit ng kalye sa anumang araw.
Puwede ang suggestion na ito. Nasa tamang implementasyon lang talaga.