Benefits ng Chamomile tea at salabat

Chamomile tea:

1. Maaaring mapabuti ang kalidad ng pagtulog – Ang Chamomile tea ay may apigenin, isang uri ng antioxidant na nagsusulong para makatulog. Sa isang pag-aaral, ang kumukunsumo ng 270 mg ng katas ng chamomile tea ng dalawang beses bawat araw sa loob ng isang buwan ay nagkakaroon ng 33 percent na mas magandang tulog at mas mabilis makatulog ng 15 minuto kesa sa hindi umi­inom nito.

2. Maaaring magamot ang panunaw – Limitado lamang ang ebidensya pero ayon sa ilang pag-aaral, ginagamit ito upang gamutin ang mga karamdaman sa panunaw, kabi­lang ang pagduduwal.

3. Maaaring maprotektahan laban sa kanser – Ang isang uri ng antioxidant na matatagpuan sa chamomile tea ay naiuugnay sa mababang insidente ng kanser sa thyroid.

4. Maaaring may benepisyo sa pagkontrol ng blood sugar – Ayon sa isang pag-aaral, ang mga umiinom ng cha­momile tea araw-araw sa loob ng dalawang buwan ay mas bumaba ang blood sugar level.

5. Maaaring makatulong sa puso – Ang chamomile tea ay sagana sa flavones, isang klase ng antioxidant na posibleng magpababa ng blood pressure at kolesterol.

6. Maaaring makatulong sa depresyon – May mga pag­sasaliksik na ang chamomile ay posibleng mabawasan ang sobrang pangamba at depresyon.

Salabat:

1. Nakatutulong para gumanda ang circulation ng dugo lalo na sa may high blood pressure at mataas ang choles­terol. Nakatutulong linisin ang daanan ng dugo.

2. May taglay na gingerols at gingerdiol na nakakatulong labanan ang mga virus at bacteria, at palakasin ang resistensiya. Tumutulong ding labanan ang cancer cells.

3. Nag-aalis ng mga sakit at hirap dulot ng regla o dys­menorrhea.

4. Nakakatulong bawasan ang arthritis at pananakit ng ibang parte ng katawan.

5. Nagtataboy ng stress at tumutulong na makalma ang nerves.

6. Nag-aayos ng panunaw.

7. Nakatutulong na ma-improve ang memorya.

Show comments