Ang pananakit ng leeg ay posibleng may kaugnayan sa muscle, nerve at cervical vertebrae. Ang kabutihan lamang, maraming dahilan ng pananakit ng leeg ay hindi naman seryoso at maaari itong magamot.
Mga dahilan ng pananakit ng leeg:
1. Hindi maayos na pagtayo at pag-upo – Ang hindi maayos na pagkakaupo habang nasa harapan ng computer o ang pagkakabaluktot habang nasa harapan ng iyong ginagawang trabaho, at maling posture ay maaaring makapagpangalay ng muscle.
2. Pangangalay ng muscle – Sobrang paggamit gaya ng pag-ikot ng ulo, ay maaaring makapag-pangalay sa muscle, gayundin ang pagkiskis ng ngipin (teeth grinding).
3. Pag-edad ng joints – Ang leeg ay nakararanas ng pagkapagod lalo na kung nagkaka-edad, na nagiging dahilan para magkaroon ng osteoarthritis.
4. Pagkaipit ng ugat o nerve – Ito ay nangyayari sa puwang sa may palibot ng neck vertebrae o buto sa leeg. Puwede dahil sa arthritis o sobrang paninigas ng masel dulot ng stress.
5. Pagkapinsala – Ang pagkakapinsala sa whiplash, kung ang leeg ay pinatutunog ng paulit-ulit, nababanat ang leeg sa maling galaw.
6. Sakit – Ang pananakit ng leeg ay maaaring sintomas ng sakit gaya ng rheumatoid arthritis o meningitis.
Kung minsan ang pananakit ng leeg ay nagpapahiwatig ng seryosong sakit. Magpatingin agad sa doktor kung makaranas ng mga sumusunod: Pananakit ng balikat pababa sa iyong braso, pamamanhid ng braso at kamay, pagbabago sa oras ng pagdumi at kawalan ng kakayahang maabot ng baba (chin) ang dibdib.