Komedya ni VP Sara

Nagiging katawatawa na ang iniaasal ni VP Sara Duterte. Balikan natin ang press conference niya kamakailan nang sabihin niyang tumahimik na lang si Presidente Bongbong sa halip na palabasin na ang mga Duterte pa ang nanlinlang sa kanya nang makipag-alyansa ito sa kanila noong presi­dential election.

Hindi ako pro-Marcos at ni hindi ako bumoto sa kanya noong election. Pero nag-aanalisa lang ako sa mga pahayag ng Bise Presidente. Sino ba ang maingay?

Sumagot lang naman si Marcos nang tanungin sa pahayag ni Sara na hindi naman niya kaibigan talaga ang Pangulo kundi ang ate niyang si Senador Imee Marcos na siyang nakiusap sa kanya bago mag-election na tumakbo siyang bise ni Bongbong. Inamin daw ni Imee na hindi nila kayang talunin si Leni Robredo kung hindi magba-vice si Sara kay Bongbong.

Sagot ni Bongbong: “maybe I was deceived. Kasi nga naman, sa isang video nang nangangampanya ang Unity Team ng tambalang “Bongbong-Sara” si Sara mismo ang umamin na nagsabi siya kay Bongbong na gawin siyang bise Presidente. At nang magbitiw si Sara sa pagka-Edu­cation Secretary, sinabi niya na nananatiling kaibigan niya si Bongbong. Lahat iyan ay hindi niya maitatanggi porke may mga footage na puwede pa ring napanood sa internet.

Ang hirap kay VP, komo naiipit siya sa pagkuwestyon ng House of Representatives kung paano niya ginastos ang malaking budget niya sa Department of Education, si Marcos ang binubuntunan niya ng galit. Baka nalilimutan na ng taumbayan, nung panahon ni President Duterte na tatay ni Sara, nag-appoint siya sa gabinete niya ng Intsik na si Michael Yang bilang economic adviser na nagsaman­tala noong pandemya sa pagbili ng mga medical supplies na bukod sa overpriced ay expired pa.

Peligrosong magbalik sa estado poder ang mga Duterte!

Show comments