Pagmumura ni Digong

NANG dumalo si dating President Rodrigo Duterte sa hearing ng Senado noong nakaraang linggo, iba’t ibang kuru-kuro ang naglabasan. Napansin ang kanyang walang habas na pagmumura habang nakikipagsagutan kay Sen. Risa Hon­tiveros.

Kaya sinabi ni Sen. Koko Pimentel na kung puwede ay huwag magmura ang dating Presidente. Subalit matigas pa rin si Digong at patuloy sa pagmumura sa hearing ng Senate Blue Ribbon.

Dapat namang kumilos si Senate President Chiz Escu­dero sa inasal ni Digong sa pagdinig. Nang matapos ang hearing, sabi ni Escudero na hindi katanggap-tanggap ang pagmumura ng dating Presidente. Sabi pa ng Senate Pre­sident, mistulang pinagyabang pa nito ang mga ginawa.

Pero nasagot naman ni Digong ang mga katanungan hinggil sa patayang naganap noong kasagsagan ng kan­yang kampanya kontra droga.

Inamin din niya na mayroon siyang Davao Death Squad (DDS). Mga gangsters at mayayaman daw ang DDS. Noon pa raw mayor siya ng Davao. Pero sa dakong huli, itinuro na mga chief of police niya ang DDS at binanggit si Sen. Bato.

Sinabi rin ni Digong na wala raw reward system nang ipatupad ang giyera laban sa droga.

Matapos ang pag-amin ni Digong, nais ng mga kaanak ng mga namatay sa kampanya sa droga o EJKs na sampa­han na ng kaso si Digong.

Pangunahan daw ng Senado ang pagsampa ng kaso kay Duterte at dapat daw hikayatin na rin si President Ferdinand Marcos Jr., na payagan nang makapasok ang International Criminal Court (ICC) sa bansa.

Show comments