Mga dahilan kaya nanunuyo ang balat

May apat na dahilan kaya nanunuyo ang balat.

1. Pagbibilad sa araw – Gaya rin ng ibang uri ng init, ang araw ay nakakatuyo ng balat. Nasisira ng ultraviolet (UV) radiation ang unang layer ng balat. Ang balat na na-damage sa araw ay nagdudulot ng panunuyo.

2. Matatapang na sabon na pangligo at panglaba – Marami sa mga sabon ang nakakapanuyo ng balat dahil sa matapang na anti-bacterial soap, shampoo at mga detergent.

3. Sobrang paliligo – Ang paliligo nang madalas gamit ang mainit na tubig ay nakawawala ng natural na moisture sa balat. Gayundin ang paliligo sa swimming pool na may chlorine.

4. Air condition o heater – Ang mga direktang lamig na dulot ng airconditioner ay nakapagpapatuyo ng balat ganun­din naman ang heater o pampainit na ginagamitan ng kahoy­ o gatong.

Narito ang mga sintomas kapag nanunuyo ang balat:

1. Pakiramdam na nababanat ang balat, lalo na kung naliligo, o nag-swimming.

2. Ang balat ay kumukulubot o kulang sa tubig.

3. Ang balat sa mukha ay magaspang sa pakiramdam.

4. Nakararamdam ng sobrang pangangati.

5. Pagkatuklap, pagbabalat, o pangangaliskis ng balat.

6. Pagkakaroon ng guhit-guhit o pagbibitak ng balat.

7. Pamumula ng balat.

Payo: Mahalagang i-moisturize palagi ang balat. Gumamit lamang ng mild soap. Limitahan ang oras ng paliligo.

Show comments