Noong Sabado, Hulyo 27 ay nagbigay-pugay ang Makati sa LGBTQIA+ community sa pamamagitan ng isang malaki at engrandeng selebrasyon sa kahabaan ng Makati Avenue.
Tinawag namin itong “Spread the Love, Makati” bilang simbolo ng paggalang at pagmamahal nating #ProudMakatizens sa sektor na ito.
Nagtipon ang mga members ng LGBTQIA+ community at napakaraming supporters sa buong araw na selebrasyon hindi lamang para tangkilikin ang aktibidad kundi para magbigay ng suporta.
Sa pamamagitan ng event na ito, gusto nating ipaalam sa lahat na ang Makati ay isang lungsod kung saan ang lahat, anuman ang kanilang sekswal na oryentasyon, pagkakakilanlan ng kasarian, ekspresyon, o katangian ng kasarian, ay tinatanggap, pinahahalagahan, at iginagalang. Ang event ay isa ring patunay ng ating commitment sa pagtataguyod ng isang inclusive society na rumerespeto at gumagalang sa lahat ng indibidwal.
Naging makabuluhan din ang buong araw na pagtitipon dahil bukod sa street party ay nagsagawa ng mga symposium tungkol sa mahahalagang paksa. Kabilang dito ang Understanding the Health Needs of the LGBTQIA+ community, Understanding SOGIESC: The Importance of Gender Sensitivity and the Call for the Passage of the SOGIE Equality Bill, Pride in Business, at Understanding Internal Discrimination Within the LGBTQJA+ Community.
May lectures din tungkol sa Drag Make-up at Photography para naman sa mga gustong magkaroon ng dagdag na kaalaman para sa career o negosyo.
Nadagdagan ang excitement ng selebrasyon nang dumating ang mga sikat na celebrities tulad nina Heart Evangelista, Nadine Lustre, Angie King at Karen Davila na mga kilalang supporter at kampeon ng LGBTQIA+ community.
* * *
More good news!
Itinanghal ang Lungsod ng Makati bilang isa sa Top 5 LGUs sa Solid Waste Management Cluster sa isinagawang Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program 2023 Compliance Assessment. Iginawad ang parangal sa Solid Waste Management Summit 2024 sa pangunguna ng DENR-EMB NCR sa Sequoia Hotel, Q.C. nitong July 24, 2024.
Malugod na tinanggap ng mga kinatawan ng Department of Environmental Services ang karangalan.
Kinilala rin ang Makati sa mahusay na pagpapatupad ng RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
* * *
Ready na rin at excited na ang buong lungsod para sa pagbubukas ng klase ngayong araw! Para sa mga Proud Makatizen students, ready na ba kayong matanggap ang pinakabago ninyong rubber shoes? Yes, for distribution na nga ang very stylish na AB 6.0 sneakers natin.
Bukod pa rito ay ipapamahagi din natin ang mga sapatos na pamasok, uniform, at mga mahahalagang gamit para wala nang iisipin ang inyong mga magulang sa inyong mga gamit pang eskwela ngayong taon.
Good luck sa inyo mga anak at mag-aral nang mabuti!