LUMALAWAK na ang kampanya ng PNP laban sa cigarette smuggling. Sana seryoso na ‘to para mapunta sa kaban ng gobyerno ang bilyones na nawawalang tax. Dipugaaa!
Kahit binabayo ng bagyong Carina ang Luzon, hindi naman naging sagabal ito sa PNP sa Mindanao at Visayas para habulin ang nagtitinda ng pekeng sigarilyo. Mismooo! At nakadagdag pa riyan ang “all out war” versus smuggled cigarettes na idineklara ni PRO11 director Brig. Gen. Nick Torre. Tsk tsk tsk!
Bakit kaya hindi magaya ng mga RD sa ibang parte ng Mindanao ang “all out war” ni Torre? Natutulog sila sa pansitan o “all out take” sila sa cigarette smugglers? Tanong lang po! Anong say mo Boss Sakur? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Noong Hulyo 23, pinangunahan ni S/Sgt. Ace Villapaz ang intel operatives ng Sta. Cruz, Davao del Sur na sumalakay sa tindahan ni Dexter John Daverao, 29, sa Purok Bagong Silang, Bgy. Sinoron matapos makatanggap ng report na nagbebenta ito ng pekeng sigarilyo. Nakumpiska kay Daverao ang 24 reams ng Walton menthol, 5 reams ng Tourism menthol, 4 reams ng R&B red, bag, P700 at black Honda Click.
Pagkalipas ng dalawang araw, inaresto naman ng raiding team na pinangungunahan ni Lt. Col. Rolando Lorenzo Jr., RSOG ng PRO11 sina Nasir Masik, 45; Pingkay Lim, 48; Leo Muda, 51, at Edgar Daramayo, 44, sa Sitio Biao, Bgy. Cogon, Digos City. Nabawi sa apat ang 70 boxes ng D&J na nagkakahalagang P1.12 milyon. Ang sakit sa bangs nito.
Hindi naman pahuhuli ang 4th Special Operations Unit ng Maritime Group. Sa warrant na inisyu ni Judge Victorino Oliveros Maniba Jr. ng Iloilo City RTC Branch 39, sinalakay ng MG team na pinamumunuan ni Lt. Wilfredo Hofeli?a ang bahay ni Chen James Chiu, alyas Kuya James, 59 sa San Gregorio Subd., Bgy. Lopez Jaena Sur, La Paz, Iloilo City.
Noong araw ng Hulyo 24, bumubuhos ang malakas na ulan sa Luzon at iba pang parte ng Pinas subalit hindi ito sagabal para kay Hofeli?a para ipatupad ang kanyang tungkulin. Mabuhay ka tol! Sana all!
Nakumpiska kay Kuya James ang 20 cartons ng Marvels, isang carton ng Mighty, 3 cartons Camel, 5 cartons Winston, 14 cartons Cannon menthol, 8 cartons New Orleans, 17 cartons Modern Three, 3 cartons Farstar King, 3 cartons J&J menthol, 8 cartons Marlboro Two, 2 cartons Jackpot, at 2 cartons Mighty red. Lahat ay nagkahalaga ng P4.9 milyon. Araguyyyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Walang pahinga naman itong si Hofeli?a dahil bandang alas 7 ng gabi, armado uli ng search warrant ni Judhe Maniba, pinasok nila ang bahay ni Donnel Jeruta, 31, sa Zone 2 Bgy. Barrio Obrero, Lapuz ll, Iloilo City. Nakumpiska ang 5 boxes ng Mighty, tatlong boxes ng Camel at isang box ng assorted cigarettes.
Sa accidental search, nakumpiska pa ang dalawang cal. 45 pistol, 9mm pistol , dalawang 12 gauge shotgun at assorted na bala at magazines. Sasakit ang ulo ni Jeruta rito, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Kapag seryosong kumilos ang PNP, may kalalagyan talaga ang mga cigarette smugglers, ‘no kosang Sakur? Abangan!