Batay sa pag-aaral, ang salabat ay mabisa sa pamamaga, tulad ng pain relievers. Sa pag-aaral sa mga pasyenteng may arthritis sa tuhod, ang salabat ay nakababawas ng sakit ng 40 percent. Maganda rin ito para sa pagduduwal at pag-aalaga sa boses.
Subukang uminom ng isang tasa ng mainit na salabat pagkagising sa umaga at sa bandang hapon.
Narito pa ang iba pang benepisyo ng salabat:
1. Pinapaganda ang takbo ng dugo – Nakakatulong itong gumanda ang circulation ng dugo lalo na sa may high blood pressure at mataas ang cholesterol. Nakatutulong itong linisin ang daanan ng dugo.
2. Nagpapalakas ng immune system – May taglay itong gingerols at gingerdiol na nakakatulong labanan ang mga virus at bacteria, at palakasin ang resistensiya natin. Tumutulong rin itong labanan ang cancer cells.
3. Nag-aalis ng mga sakit at hirap dulot ng regla o dysmenorrhea.
4. Nagbabawas ng pamamaga o inflammation – Nakakatulong itong bawasan ang arthritis, at pananakit ng ibang parte ng katawan.
5. Para sa stress – Nagdadala ng ngiti sa labi dahil nagtataboy ito ng stress. Nakatutulong na makalma ang nerves.
6. Nag-aayos ng panunaw at pagsipsip o pag-absorb ng sustansiya mula sa mga pagkain.
7. Nakatutulong na ma-improve ang memory at ibang function ng utak.