Ang paghubog sa mga kabataan sa sports sa ngayon ay napakahalaga, dahil kung ang mga kabataan ay nagiging abala sa kanilang kinagigiliwang laro partikular na ang basketball, mailalayo natin sila sa bisyo.
Subalit magiging matagumpay lamang ito kung mayroong mga taong nagbubuhos ng kanilang talento sa mga interesadong kabataan na matuto sa basketball, kaysa mapabilang sa mga nalululong sa bisyo.
Diyan nahahanay si Christian Joseph Zapanta, head coach ng Eggspress Ballers ng Our Lady of Remedios Montessori School sa Rosario, Cavite. Bukod sa pagiging coach, siya ay isa ring nurse.
Hindi matatawaran ang karanasan niya sa pagko-coaching. Hindi na mabilang ang mga naging karangalang natanggap niya bilang coach. Sabi niya, “Building castles in the air is fine as long as your foundation is on the ground”.
Lagi siyang nakatutok sa pagko-coach sa mga players. Ipinaiiral niya ang pagkakaroon ng disiplina sa bawat isa sa loob at labas man ng basketball court.
Ang kanyang kahusayan ang naging daan para kunin siyang coach ng Eggspress Ballers at naging malaking tulong siya sa mga kabataan para maging mahilig sa basketball. Kung may pinagkakabalahan ang mga kabataan makakasiguro na mailalayo sila sa masamang bisyo.