Oras ng pasok sa Makati public schools, binago para iwas heat stroke

Ramdam na ramdam nga ang grabeng init dito sa Makati. Kaya naman, para sa safety ng mga batang mag-aaral at guro, nagdesisyon kaming i-adjust ang oras ng pasok ng pang-umaga at panghapong sessions para maiwasan ang pinakamainit na mga oras sa maghapon.

Simula ngayong araw ay 6:00 a.m. to 10:00 a.m. na lang sa classroom ang mga pang-umaga at 3:30 p.m. hanggang 7:30 p.m. naman ang afternoon shift.

Kahit pinaikli ang mga klase, pinaalalahanan ang mga magulang na masigasig na subaybayan ang kanilang mga anak at tiyaking maipasa sa takdang oras ang activities araw-araw.

Pinapayuhan din ang mga esudyante na magsuot ng komportable at light-colored na kulay ng damit sa klase. Kailangan ding dalhin ang inyong mga tumbler at uminom nang maraming tubig upang manatiling hydrated.

Bago pa i-adjust ang schedule ng klase ng mga bata ay naglabas na rin kami ng mga tip at paalala para labanan ang extreme heat na nararanasan natin ngayon. Para sa dagdag impormasyon at mga bagong update, bisitahin lamang ang MyMakati FB page.

Stay safe, #ProudMakatizens!

Show comments