Lahat tayo nakararamdam ng paghapdi ng sikmura. Naglalabas kasi ng sobrang acid kaya humahapdi ang sikmura. Ang tawag dito ay gastritis at kapag lumala ay puwedeng maging ulcer. Hindi lang gamot ang solusyon dito, mas maigi ang pagkain nang wasto:
1. Kumain sa tamang oras. Kumain ng pakunti-konti pero madalas sa isang araw. Halimbawa, kumain ng 7:00 a.m. Mag-saging ng 10:00 a.m. Mag-lunch ng kaunti lang. Magmerienda ng tinapay ng 4:00 p.m. Mag-dinner ng 7:00 p.m. Kahit busy sa trabaho, huwag kalimutang kumain sa oras. Ingatan ang tiyan.
2. Saging at tinapay. Napaka-healthy ng saging. Bukod sa madaling baunin at kainin, ang saging ay parang gamot na rin dahil natatapalan nito ang ating sikmura. Ang pandesal ay maayos sa sikmura at nakakabusog pa.
3. Uminom ng tubig pakunti-konti. Malaki ang naitutulong ng pag-inom ng tubig sa paglinis ng acid sa tiyan. Ang tamang pag-inom ay ang paglagok ng konting tubig bawat 20 minutos. Mahuhugasan at malilinis ang acid sa tiyan.
4. Umiwas sa maasim at maanghang na pagkain. May mga pagkaing nakahahapdi ng tiyan. Ang sili, kalamansi, suka, sinigang na sobrang asim at pinapple juice na puro ay puwedeng magdulot ng paghapdi ng sikmura.