Pagkain responsibilidad ng buong gobyerno

Mahal ang produktong pagkain dahil sa samu’t saring mga raket. Tungkulin ni Agriculture Sec. Francis Tiu Laurel na lan­sagin ang mga ito.

Mahihirapan siyang banggain ang matatagal nang sin­dikato sa Dept. of Agriculture. Mas lalo siyang mahihirapan sa mga sindikato sa mga ibang departamento na hindi niya saklaw.

Sa ilalim ng DA ang bureau of plant industry. Tungkulin­ ng BPI Central Office mag-isyu ng sanitary at phyto-sanitary­ clearances sa imported na pagkain.

Pero hindi pinapaalam sa regional offices kung sinu-sino ang inisyuhan ng SPS clearances. ‘Yan ang dahilan kaya nagulat ang BPI-Cordillera Administrative Region na bu­magsak ang presyo ng carrots, kamatis, at repolyo nu’ng Bagong Taon.

Ni hindi pinaskel sa BPI website na may darating palang imported na gulay. Bigla tuloy bumagsak ang farmgate pri­ces ng mga ito. Piso na lang ang isang kilong small carrots at P10 ang isang kilong big. Pero sa Metro Manila at Quezon ay P70-P150 ang isang kilong big carrots.

Ibig sabihin, hindi rin nakinabang ang mga mamimili.

May mga pulis na nangingikil ng gulay, prutas, isda, manok­ at pork sa checkpoints. Alisin dapat sila ng Dept. of Interior and Local Government para mabawasan ang gastos­ sa suhol.

May mga rumaraket sa Pier—sapilitang pinapa-upa ang mga barko ng tugboats at cranes. Nagpapamahal ito ng mga kargamentong pagkain. Sa ilalim ng Dept. of Trans­por­tation ang solusyon.

Kailangan turuan ang mga magsasaka ng mga maka­bagong pamamaraan. Halimbawa sa preservation at pa­ckaging­. Tungkulin naman yan ng Dept. of Science and Technology.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

Show comments