MAY opisyales si PBBM na hindi maganda ang performance at walang taros lumustay sa pagbibiyahe sa ibang bansa. Hindi ko naman sinasabi na pera ng bayan ang nilulustay niya. Gusto ko lang malaman at siyempre ng taumbayan kung saan nanggagaling ang nilulustay.
Noong Nobyembre 26, lumipad patungong Japan ang isang government official para iselerbra ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya. Bumalik sila noong Disyembre 3. Ayon sa mga employees ni government official, umalis din pala ito noong 2022 at nag-celebrate din ng birthday sa Japan kasama ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan.
Mahilig magpalamig sa Japan si government official ah. Hindi niya puwedeng ipagkaila ang pag-alis dahil naka-record ito sa Bureau of Immigration (BI). Ayon sa aking nalaman, bago sila umalis, inutusan niya ang mga kapamilya at kaibigan na huwag mag-post ng mga larawan sa social media para mailihim ang kanilang biyahe. Pero hindi napigilan ng ilan niyang kasama na mag-share ng larawan kaya nabuking ang Japan birthday bash ni government official.
Ang tanong ko, gaano kalaki ang suweldo ni government official at na-afford niyang mag-travel? Nalaman ko na ang kanyang biyahe ay pinondohan umano ng kompanyang dati niyang pinagtrababahuhan.
***
Samantala, nakabimbin ang recomputation ng Weighted Average Cost of Capital (WACC) ng Meralco. Dahil sa bagal ng kilos, hindi malaman kung anong bahagi ng kita ang dapat makuha ng Meralco para matiyak na hindi maaapektuhan ang investment nito. Sabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, mareresolba lang ang problema kung tatapusin ang proseso ng rate reset. Pero ang solusyon ng ibang mambabatas ay hatiin ang franchise area ng Meralco, na hindi dapat. Ayon kay Infrawatch PH convenor Terry Ridon, magreresulta ito sa pag-alis ng mga investor sa power sector dahil sa pabagu-bagong polisiya ng kompanya.