Pakiramdam na laging pagod, baka sintomas ng ibang sakit

Lagi ka bang nakaka­ramdam na parang pagod na pagod? Ang pakiramdam na laging pagod ay maaring sintomas ng ibang mga sakit na dapat gamutin. Makabubuting kumunsulta sa doktor.

Narito ang mga dahilan kaya nakakaramdam ng pagod: 1) Hindi maayos na pagkain o wala sa oras ang kain; 2) Kulang sa tulog; 3) Mga gamot para sa kirot, ubo, sipon at allergy; 4) Dehydration o kakulangan sa tubig; at 5) Mainit na panahon.

Ang nararamdamang pagod ay maaaring sintomas din ng ibang sakit gaya ng anemia, cancer, low thyroid activity, diabetes, sakit sa puso, rheumatoid arthritis, sleep apnea at pagiging mataas o mababa ng potassium sa dugo.

Kung palaging pagod, subukan ang mga sumusunod:

1) Magkaroon ng sapat na tulog—pito hanggang walong oras na tulog na tuluy-tuloy; 2) Sundin and schedule ng pagtulog at gumising sa parehong oras araw-araw; 3) Big­yan ang sarili ng oras para mag-relax; 4) Iorganisa ang pang-araw-araw na schedule; 5) Alamin ang mga bagay na nagdu­dulot ng stress; 6) Mag-ehersisyo sa umaga; 7) Paramihin ang sariwang hangin sa bahay at trabaho; 8) Kumain nang masustansyang almusal, ganundin nang mara­ming prutas at gulay; 9) Kung sobra sa timbang, magdiyeta pero gawin nang dahan-dahan; 10) Uminom ng 8-10 basong tubig; 11) Tingnan ang mga gamot na iniinom at baka ang mga ito ay may side effect na nag­dudulot ng fatigue; 12) Itigil ang paninigarilyo sapagkat nakapagpapataas ito ng lebel ng pagod.

Show comments