Ang desisyon ng hukuman ay hindi na mababago matapos ito ay maging pinal. Ito ang prinsipiyong ginamit sa kaso ni James, isang Amerikano.
Asawa ni James si Tricia isang Pilipina at may anak sila, si Jun. Matapos ang 13 taon, nagpetisyon si James sa korte upang mapawalang bisa ang kanilang kasal. Nang ginawad ito ng korte, nakipagpisan si James kay Linda at pagkaraan ng siyam na taon nagpakasal na sila.
Pagkaraan ng apat na taon mula ng sila’y ikasal namatay na si James. Kaya kumuha si Linda ng kopya ng desisyon na pinawalang bisa ang kasal nina James at Tricia.
Pagkaraang makuha ng Clerk of Court ang kopya para kay Linda, napag-alaman nito na hindi pa pala nabigyan ng kopya ng desisyon ang Office of Solicitor General (OSG) kahit 13 taon na ang lumipas.
Kaya pinadalhan ng Clerk of Court ang OSG ng kopya nito at binigyan ng 15 araw para magsampa ng mosyon o umapela sa nasabing desisyon.
Dahil dito nagsampa si Linda ng manipestasyon na ipinaalam na si James ay namatay na at 13 taon bago siya namatay sila ni James ay kinasal na at wala siyang alam tungkol sa pagkasal ni James kay Tricia.
Iginawad ng RTC and mosyon ng OSG at binaliktad ang desisyon ng RTC tungkol sa dineklarang kasal ni James at Tricia. Dahil sabi ng RTC na ang kasal ni James at Linda ay walang bisa. Kaya si Choly na anak ni James at Linda ay nagpetisyon sa Court of Appeals (CA) na pawalang bisa ang pasya ng RTC.
Ngunit dinismis ng CA ang petisiyon ni Choly. Sabi ng CA na kahit na 14 taon na ang nakalipas bago may mosyon ang OSG, ang desisyon ng RTC na pinawalang bisa ang kasal ni James at Tricia, hindi pa rin pinal ang nasabing desisyon dahil hindi pa ito naipadadala sa OSG. Tama ba ang CA?
Mali ang CA, sabi ng Korte Suprema. Ang mosyon ng OSG ay huli na dahil ito ay sinampa lang lampas ng 15 araw. Bukod dito 13 taon ang lumipas pagkaraang ginawad ang nasabing desisyon ng RTC na diniklarang walang bisa ang kasal ni James at Tricia ay pinal at hindi na mababaliktad o baguhin dahil wala nang kapangyarihan ang RTC dito.
Ito ang prinsipyong di na mababago ang kapasyahan ng hukuman. Kaya dapat talagang baliktarin at isantabi ang desisyon ng CA (Thomas vs. Trono and Republic, G.R. 241032 March 15, 2021)