2023: Year of the Water Rabbit - Fengshui tips mula kay Master Hanz

Mahabang buhay, kapayapaan, at kasaganaan—ang kuneho ay sumasagisag sa tatlong bagay na ito sa kulturang Tsino. Dahil dito, maaari nating asahan ang 2023 bilang isang taon ng pag-asa. Magsisimula ang Taon ng Kuneho sa Enero 22, 2023 (Chinese New Year) at magtatapos sa Pebrero 9, 2024 (Bisperas ng Chinese New Year).

Karaniwang inilalarawan ng Chinese astrology ang mga Kuneho bilang maamo, tahimik, alerto, mabilis, mahusay, mabait, matiyaga, napakaresponsable, at tapat sa mga nakapaligid sa kanila. Mayroong limang uri ng mga kuneho base sa limang elemento—Gold (Metal), Wood (Kahoy), Water (Tubig), Fire (Apoy), o Earth (Lupa). Kilala ang Water Rabbit sa pagiging maamo, matulungin, madaling makibagay sa iba't ibang kondisyon, ngunit may mahinang mga prinsipyo sa buhay.

Sa bagong episode ng Pamilya Talk , (pls hyperlink the YT version itinanong namin kay Master Hanz Cua, isa sa mga sikat na Feng Shui expert sa bansa, kung ano ang maaari nating asahan sa Year of the Water Rabbit at kung paano natin gagawing masuwerte ang taong ito para sa atin. 

Lucky colors: Ayon sa kanya, masuwerte ang mga kulay tulad ng asul, lila at itim sa 2023. Para salubungin ang magandang kapalaran sa iyong tahanan, inirerekomenda niya ang pagdaragdag ng mga kulay asul lalo na sa unang buwan ng taon. Maaaring magsuot ng mga alahas at kulay na metal tulad ng ginto, silver at gray na siyang pangalawang masuwerteng kulay.

Sabi ni Master Hanz Cua, ang lucky signs ngayong taon ay yung mga ipinanganak sa year of the dog, goat, pig, horse at rat.

Love: Isa sa katangian ng Water Rabbit, sabi ni Master Hanz ay ang pagiging maharot o malandi nito. Ibig sabihin, activated ang romance star ngayong taon. Kaya kung ikaw ay walang asawa at handang makihalubilo, ito ay isang magandang taon para makahanap ng pag-ibig. Maaari ka ring magsuot ng lucky charm para pagandahin ang iyong love star. Ngunit maging mapagmatyag laban sa isyu gaya ng pagtataksil.

Career at Pera: Ang Year of the Rabbit ay magiging isang mas mahusay na taon kumpara sa Year of the Tiger (2022) kung ang pag-uusapan ay pera at negosyo, dahil parehong aktibo ngayong taon ang direct at indirect wealth, sabi ni Master Hanz. Ang direct wealth ay tumutukoy sa bagay na bunga ng pagsusumikap, mabuting career at negosyo, habang ang indirect wealth naman ay tumutukoy sa mga biglaang pagkakataon o pagdating ng pera. Dahil ang mga kuneho ay napaka-sociable din, maganda ang taong ito para bumuo ng mga koneksyon. Ang mga long-term at stable na mga trabaho ay mas kikita sa taong ito, gayundin ang mga online na trabaho at negosyo gaya ng vlogging at online selling.

How to increase your luck: Pinapayuhan ni Master Hanz ang lahat, maliban sa mga ipinanganak sa Year of the Rooster, na mag-display ng rabbit charm sa silangang bahagi ng kanilang tahanan, tindahan o opisina upang ma-activate ang kanilang suwerte sa 2023.

Narito ang iba pang mga prediksyon mula sa kilalang Feng Shui master:

Daga (ipinanganak noong 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008 at 2020)

Ito ay isang mahusay na taon pagdating sa karera at pera. Prominente rin ang romance star ng Rats sa 2023, kaya magandang panahon ito para humanap ng pag-ibig. Gayunpaman, kailangang pangalagaan ng mga ipinanganak sa Year of the Rat ang kanilang respiratory health.

Ox (ipinanganak noong 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2021, 2009)

Mag-ingat sa pagtataksil at pagdaraya sa negosyo at personal na buhay. Maaaring magkaroon ng di pagkakaintindihan sa isang kasosyo o ka-partner na maaaring mahantong sa kaso sa korte kung hindi mag-iingat.

Tigre (ipinanganak noong 1938 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010, 2022)

Maraming mga naantalang proyekto noong 2022, at ang 2023 ay isang magandang panahon para makabawi ang mga ipinanganak sa animal sign na ito. Kailangan nilang maging mas agresibo pagdating sa pera at karera. Sa mga single pa: Hulyo at Setyembre ay magandang panahon upang makihalubilo at makahanap ng pag-ibig. Kung mayroon ka nang  asawa o nobya, mag-ingat sa di pagkakaunawaan. Dapat ding bantayan ng mga tigre ang kanilang diyeta, lalo na ang kanilang cholesterol intake.

Kuneho (ipinanganak noong 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, 2023)

Masuwerte ngayong taon ang mga Rabbits pagdating sa aspetong pinansyal, hanapuhay at pagkakataon. Gayunpaman, mag-ingat sa mga sakit at aksidente. Upang maiwasang lumala ang anumang isyu sa kalusugan, kumunsulta kaagad sa iyong doktor. Makabubuting maglagay ng Wu Lou sa silangang bahagi ng iyong bahay upang malunasan ang iyong illness star. Gayundin, inirerekomenda ni Master Hanz ang paglalagay ng Ru Yi sa tindahan, tahanan, o mesa sa opisina upang mapag-ibayo ang karera. I-activate ang iyong fame, recognition star at opportunity star sa pamamagitan ng pagdi-display ng rabbit at dog charm.

Dragon (ipinanganak noong 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024)

Ngayong 2023, maaring magkaroon ng di pagkakaunawaan o mapapaaway ang mga dragon sa kanilang kliyente, boss o business/romantic partner. Ito ay maaaring humantong sa demanda sa korte kung hindi kaagad maagapan. Inirerekomenda ni Master Hanz ang mga ipinanganak sa ilalim ng Year of the Dragon na sumailalaim sa love tarot card reading.

Ahas (ipinanganak noong 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013)

Ang mga taong ipinanganak sa Year of the Snake ay kilala na mainitin ang ulo. Ang mga hindi pagkakaunawaan ay maaaring humantong sa legal battles kaya sikaping ayusin ang mga isyu bago ito lumaki. Maging maingat sa iyong digestive system.

Kabayo (ipinanganak noong 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014)

Nakaranas man sila ng losses nitong nagdaang taong, magiging mabuti naman ang 2023 para sa mga ipinanganak sa Year of the Horse. Ang kanilang career, money, success, at wealth luck ay activated ngayong taon. May angking kalandian ang mga ipinanganak sa taong ito. Ang mga may kasosyo ay dapat umiwas sa third party dahil ito ay maaaring humantong sa problema. Alagaan ang iyong sarili laban sa digestive issues at diabetes.

Kambing (ipinanganak noong 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015)

Ang taong 2023 ay magiging matagumpay para sa mga ipinanganak sa Year of the Goat. Kailangang maging mas hands-on sila pagdating sa career at finance dahil activated ang kanilang money star. Ito rin ay isang magandang taon para sa kanila upang makahanap ng romansa, magpakasal, at magkaroon ng anak.

Unggoy (ipinanganak noong 1920, 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016)

Ang mga ipinanganak sa Year of the Monkey ay hindi naging masuwerte noong 2022 dahil hindi sila compatible sa Tigre. Sa kabutihang palad, ang Year of the Water Rabbit ay mabuting taon upang makabawi. Maaaring asahan ng mga ipinanganak sa Year of the Monkey ang tuluy-tuloy na kita sa pananalapi ngayong 2023. Ito rin ang pinakamagandang oras para ayusin ang mga hidwaan at nasirang relasyon.

Rooster (ipinanganak noong 1921, 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017, 2029)

Ang tandang at kuneho ay hindi magkasundo kaya ang taong ito ay hindi pabor para sa mga taong ipinanganak sa Year of the Rooster. Ganunpaman, pinapaboran ng heaven blessing star ang mga Rooster, kaya manalangin lang nang maigi, ibahagi ang iyong mga biyaya, at maging mabuti sa kapwa upang patuloy na dumaloy ang mga pagpapala sa iyong buhay, sabi ni Master Hanz.

Aso (ipinanganak noong 2018, 2006, 1994, 1982, 1970, 1958)

Ang 2023 ay magandang taon para sa mga ipinanganak sa Year of the Dog. Maaari silang magkamit ng pera at tagumpay at dapat nilang samantalahin ang mga pagkakataong darating sa kanila dahil ang 2024, ang Year of the Dragon, ay hindi magiging mapalad na taon para sa kanila.

Baboy (ipinanganak noong 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019)

Magkaibigan ang baboy at kuneho, kaya magandang taon ang 2023 para sa mga ipinanganak sa Year of the Pig. Magkakaroon ng maraming pagkakataon sa pananalapi sa 2023. Napakagandang taon din ito upang makahanap ng romansa at magkaroon ng anak. Maging maingat sa kalusugan, sapagkat maaari silang makaranas ng pagkahilo at mga problema sa immune system.

Para mapanood ang buong video, i-click ang link na ito:

---
Watch Pamilya Talk on FacebookYouTube and Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts:  InstagramFacebookYouTubeTiktokTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at editorial@jingcastaneda.ph.

Show comments