Hindi makatulog sa kaiisip, gawin ito!

Kung ang sobrang pag-iisip ay pinapanatiling gising ka sa gabi, narito ang tatlong simpleng payo para rito:

1. Isulat ang iyong iniisip—Kailangang mailabas sa iyong isipan ang pinuproblema mo. Ang lumang paraan ay pagsulat sa papel o diary. Ngunit mayroon ding mga App sa cell phone kung saan puwede kang magsulat at i-save ito. Mas giginhawa ang iyong pakiramdam para makatulog ka na.

2. Magdasal at magnilay-nilay—Ang regular na pagmumuni-muni ay may pakinabang, kabilang ang mas ma­ayos na pagtulog at mas kalmadong isip. Ang pagmumuni-muni at pag-relax araw-araw ay makatutulong para mapahinga ang iyong isip at katawan.

3. Mangako na ipagpapatuloy ang iyong pag-iisip sa isyu sa ibang araw—Ang iyong isip ay paulit-ulit sa mga alalahanin, problema at solusyon hangga’t pinapayagan mo ito. Kung napansin mo ang isang paulit-ulit na ideya, subukang gumawa ng isang desisyon sa iyong isip. Sabihin ito, “Ipinapangako ko na maglalaan ako ng oras bukas para bigyan ng atensyon ang isyung ito. Ngunit sa gabi ngayon, kailangan ko nang matulog kaya hindi ko na iisipin ‘yan.” Siyempre kailangan mong tuparin ang iyong mga pangako kinabukasan.

Show comments