MARAMING pinuproblema ang panunuyo ng kanilang balat. Narito ang ilang payo kung paano ito malulunasan:
1. I-moisturize ang balat—Ang moisturizer ay nagsisilbing pangtapal sa balat na nakatutulong mapanatili ang magandang balat. Kung ang balat ay sobrang nanunuyo maaaring mag-apply ng oil, habang ang balat ay basa-basa pa pagkatapos maligo. Ang oil ay mas tumatagal sa balat kaysa sa moisturizer.
2. Iwasang gumamit ng matatapang na sabon—Kung may panunuyo sa balat, mas makabubuting gumamit ng cleansing creams, gentle skin cleansers, at bath o shower gels na may kasamang moisturizers. Pumili ng mild na sabon na nagdaragdag ng oil at fats. Iwasan ang deodorant at anti-bacterial detergents na matatapang.
3. Limitahan ang oras ng pagligo—Ang pagligo sa mainit na tubig ng mahabang oras ay nakaaalis ng oils sa iyong balat. Gawing 15 minutes o mababa pa ang pagbabad sa tubig. Gumamit lang ng maligamgam sa halip na mainit na tubig.
4. I-moisturize ang balat pagkatapos maligo—Pagkatapos maligo, dahan-dahang idampi-dampi ang towel para tuyuin ang balat upang manatili ang moisture sa balat. I-moisturize agad ang balat gamit ang oil o cream para ma-trap ang moisture sa balat.
5. May tulong ang aircon—Ang mainit na pakiramdam sa loob ng bahay ay nakapagpapalala ng pangangati at pagbabalat. Pumili ng aircon na kaya ng budget at pangangailangan. Siguraduhin na laging malinis ang aircon para makaiwas sa pagbuo ng bakterya at fungi.
6. Gumamit ng mga natural na tela—Ang tela gaya ng cotton, silk ay hinahayaan ang iyong balat ay makahinga. Kung lalabhan ang mga damit, gumamit ng sabon na walang pabango.
7. Kung hindi mapigilan ang pangangati kung nanunuyo ang balat—Maglagay ng cold compress sa mga balat na apektado.
8. Kumunsulta sa doktor—Kung lumalala na ang kondisyon makabubuting magtungo na sa kilala ninyong dermatologist.