Pinangunahan ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony para sa gagawing Samal Island-Davao Connector (SIDC) project kung saan gagawa ng tulay na magko-conect sa Samal Island at mainland Davao City.
Pinakahihintay ang tulay na ito bukod sa pagpaikli ng travel time sa pagtawid na makakabenepisyo nang Malaki sa mga naninirahan sa Samal Island at nagtatrabaho sa Davao City. Malaking tulong din ito sa pagpapalakas ng turismo ng isla.
Kung tutuusin may tatlo at kalahating kilometro lang ang distansiya sa pagitan ng dalawang areas na kung saan kahit magkalapit ay parte na ng Davao del Norte ang Samal Island.
Sa ngayon ang ferry boats na kung saan nagdadala rin ng mga sasakyan maliban sa mga pasahero ang naging means of transportation sa pagitan ng isla at Davao City.
Naging sikat ang Samal Island na kasing laki nga lang ng Singapore dahil may higit 100 beach resorts ang matatagpuan sa isla na dinarayo ng mga turista at iba pang mga bisita.
At sana nga kahit may tulay na sa 2027, sana manatili pa rin ang ferry boats at mga bangka na ginagamit ng mga tumatawid ng Samal Island at Davao City. Magiging attraction pa rin ang mga ito sa mga bibisitang turista at dayuhan sa hinaharap.