Kahapon ay sinulat ko ang mga pagkain na nababagay sa mga kalalakihan. Ngayon ay mga pagkain naman para sa mga kababaihan ang aking ilalahad.
Kailangan ng mga kababaihan ng pagkain na may calcium sa buto, iron sa dugo at anti-oxidants na panlaban sa kanser.
Narito ang mga pagkain na makatutulong sa kababaihan:
1. Kangkong o spinach dahil masustansyang gulay —Ang spinach ay may napakataas na nutritional value at mayaman sa antioxidants. Ito ay isang mahusay na mapagkukunan ng bitamina A, B2, C at K, at naglalaman din ng magnesium, manganese, folate, iron, calcium at potassium. Ang flavonoids at antioxidants na natagpuan sa spinach, lalo na ang antioxidant beta-carotene. Ayon sa pag-aaral nakatutulong itong labanan ang maraming mga kanser, kabilang ang breast, prostate at ovarian cancer. Ang spinach ay nagpapalakas din sa kalusugan ng mata at may malakas na anti-aging properties.
2. Matabang isda tulad ng dilis, sardinas, bangus, tanigui, tuna, tawilis—Ang sustansyang nakukuha sa isda ay ang omega-3 fatty acids, at partikular na dalawang uri na kilala bilang DHA (docosahexaenoic acid) at EPA (eicosapentaenoic acid). Ang fatty fish ay may mahalagang papel sa kalusugan ng bawat cell sa ating katawan, tumutulong din ito na protektahan tayo mula sa sakit sa puso, stroke, hypertension, depression, joint pain, lupus at rheumatoid arthritis.
3. Mga beans at munggo—Mababa sa taba, ang mga beans ay isang mahusay na pinagmumulan ng protina at fiber. Maaaring magkaroon ng proteksiyong epekto ang beans laban sa sakit sa puso at kanser sa suso. Ang mga bean ay maaari ring magpalakas ng mga babaeng hormones.
4. Mga kamatis at pakwan—Ang powerhouse nutrient sa mapupulang prutas ay lycopene. Ang lycopene ang isang mabisang panglaban sa kanser sa suso sa babae, at prostate cancer sa lalaki. May malakas na antioxidant na makakatulong sa isang babae na labanan ang sakit sa puso, at pagandahin ang balat sa pagprotekta laban sa UV o pinsala mula sa araw.
5. Gatas o low-fat milk—Mahalaga sa pagtulong sa mga buto ang calcium. Ang bitamina D ay nakakatulong na mabawasan ang panganib ng osteoporosis at maaaring mahalaga sa pagbawas ng panganib ng diabetes, multiple sclerosis, at mga bukol sa suso, colon, at obaryo.
6. Broccoli at cauliflower—Ang Indole-3-carbinol, isang compound na matatagpuan sa brocoli, ay makatutulong mabawasan ang panganib ng kanser sa suso at cervical cancer. Tumutulong din na mapigilan ang pagkalat ng kasalukuyang kanser. Ang berdeng gulay na ito ay may flavonoid (kaempferol), na may proteksiyon at benepisyo laban sa ovarian cancer. Ang broccoli ay mayaman sa iron at folic acid. Kaya kumain ng broccoli kapag buntis dahil ito ay mahusay na pandagdag ng bilang ng hemoglobin at pinipigilan ang panganib ng anemya.
7. Avocado—Ang avocado ay may folate (folic acid), malusog na monounsaturated na taba, bitamina C, K, mga karagdagang B bitamina, potassium at iba pang mga mineral at fiber. May healthy fat (monounsaturated at omega-3 fats) na may papel sa estrogen production at reproductive hormonal balance. Ang avocado ay mayaman din sa phytonutrients na makakatulong na protektahan ang bata at mga selula sa pinsala.