Pulis-QCPD na natigok sa Customs, ex-PASG agent!

Flash Report: Dating peryante pala itong si alyas Peter kaya’t nang makuha siya na tagapamahala sa pergalan sa Caloocan City ay laking tuwa ng mga kasamahan niya. Kaya lang imbes na tulungan sila, aba baliktad ang nangyari at pinahirapan pa sila ni Peter. Imbes na lumatag sa Caloocan, minabuti na lang ng mga peryante na umiwas sa lufet ni Peter. Araguuyyyyy! Umikot naman si Caloocan City Mayor Oca Malapitan sa siyudad niya noong Miyerkules sakay sa isang trak subalit wala siyang inabutang bukas na pergalan. Dipugaaaaaa!

* * * * * *

Dating miyembro ng nabuwag na Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) itong si PEMS Celedonio Caunceran Jr., ang pulis-QCPD na nadedo sa “agaw-armas” sa loob ng compound ng Bureau of Customs kamakailan.

Itong PASG mga kosa ay itinatag noong kapanahunan ni President Gloria Arroyo para habulin ang mga smugglers sa bansa. Kaya lang, habang nagpapatupad ng trabaho, itong si Caunceran, kasama ang iba pang PASG agents, ay kinasuhan ng extortion ng isang negosyante sa Office of the Ombudsman.

Iginiit naman ni Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco na wala pa silang matibay na ebidensiya na extortion ang lakad ni Caunceran nang matiyempuhan sa Port Area. Sinabi ni Gen. Francisco na tapos na ang imbestigasyon nila sa “agaw-armas” na kaso kay Caunceran at bahala na ang mga suspect at pamilya ng biktima na magbalitaktakan sa korte. Kaya naman nila itinutuloy ang imbestigasyon sa kaso ni Caunceran, ani Gen. Francisco, ay para susugan at maging matibay ang kanilang ebidensiya. Mismooooo! Hak hak hak!

Kailangan talaga ang concrete evidence para matagpi-tagpi ng mga imbestigador kung ano ba talaga ang nasa likod nitong kaso ni Caunceran, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Sa ulat ni kosang Edu Punay sa Philippine STAR, sinabi niya na si Caunceran at kanyang kasamahang PASG agents ay kinasuhan ng negosyanteng si Nicanor Caparida, ng RACAL warehouse sa Valenzuela City ng extortion. Ayon kay Racal, ang mga akusado ay humingi sa kanyang kompanya ng P3 milion at P50,000 sa magkahiwalay na anti-smuggling operations. Subalit dahil hindi naman nagpakita ng ebidensiya si Racal na tumanggap ng nasabing pitsa ang taga-PASG, dinismis ang kaso laban kay Caunceran at iba pang kasamang pulis.

Itong extortion angle ay kumakalat sa compound ng Customs subalit nalulungkot si Gen. Francisco dahil ni isang opisyal nila ay hindi lumutang para susugan ito. Ayon kay Gen. Francisco, maraming tanong ang kanyang imbestigador para luminaw ang kaso ni Caunceran subalit tikom ang bibig ng mga opisyales ng Customs. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Natatakot ba ang taga-Customs sa anino nila? Mismooooo!

Inamin ng kamag-anak ni Caunceran na si Jayriel na malalim ang kaso ng biktima. Hindi naniniwala si Jayriel sa kung anu-anong ibinibintang kay Caunceran dahil napakabait nito at galing pa sa maayos na pamilya. Naawa naman si Aling Purificacion sa sinapit ng pamangkin at nanalangin na sana mabigyan siya ng hustisya.

Lilitaw din ang katotohanan sa kasong ito, di ba Gen. Francisco Sir? Abangan!

Show comments