Totoong nanumpa si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) pagkatapos niyang bumitiw sa tinatag niyang regional party Hugpong ng Pagbabago (HNP).
Ang kanyang pagiging bagong miyembro ng Lakas-CMD ay magiging daan niya upang puwede na siyang tumakbo sa mas mataas na position dahil nga sa Comelec ruling na bawal tumakbo sa national position gaya ng president, vice president at senador kapag HNP lang ang maging partido ng isang kandidato.
Ngunit tanggapin din natin ang katotohanan na since miyembro na nila si Sara, muling nanumbalik ang Lakas-CMD sa larangan ng pulitika. At lalo na itong sisigla kung mananalo si Sara kung tatakbo siya sa pagka-pangulo sa darating na May 2022 polls.
Kailangan ng Lakas-CMD si Sara at kailangan din ni Sara ang partido.
It works both ways.
Ngunit sana sa sitwasyon na ‘to na patuloy pang nag-iisip si Sara kung tatakbo ba siyang pagka-presidente o bise presidente, sana ang iisipin ng lahat ay ang kapakanan ng mas higit na nakakarami at para sa bayan at hindi lang para sa partido.
Update kay Sara: Nag-file na ng kandidatura sa pagka-vice president si Davao City Mayor Sara Duterte kahapon. Nag-withdraw si Lyle Uy ng Lakas-CMD ng kanyang certificate of candidacy (COC) bilang vice president at si Sara ang pumalit.