Post-traumatic stress disorder

Ang post-traumatic stress disorder (PTSD) ay nangyayari pagkatapos makaranas ng sakuna, delubyo, galing­ sa giyera, maholdap, maaksidente, ma-rape at ma­tin­ding pananakit.

Karamihan sa mga sintomas nito ay nagsisimula sa pagitan ng 2 linggo hanggang 3 buwan pagkatapos ng pangyayari. Walang laboratory test na maaaring makapagsasabi na may post-traumatic stress dis-order ang tao.

Pangkalahatang sintomas:

l Nahihirapang makisalamuha sa tao.

l Muling naiisip ang ganoong pangyayari.

l Nakararanas ng bangungot at flashback sa mga nangyari.

l Mabilis na tibok ng puso at paghahabol ng hininga.

l Umiiwas na maramdaman o mapag-usapan ang pangyayari.

l Umiiwas sa lugar, tao o gawain na konektado sa insidente.

l Pinipilit kalimutan ang masamang nangyari.

l Nababawasan ang interes sa pang-araw-araw na gawain.

l Nawawalan ng gana para isipin ang kinabukasan.

l Pagkakaroon ng abnormal sa personalidad.

l Hirap makatulog, magagalitin, wala sa konsentrasyon at matatakutin.

Paano gagamutin:

l Kinakailangan ng psychological counselling sa lalong madaling panahon.

l Kinakailangan na ang tagapayo ay may kasanayan at kinakailangan nito ng follow-up sa biktima na hindi bababa sa 6 na buwan.

l Inirerekomenda ang pagpapatingin sa isang psychiatrist kung kinakailangan.

Show comments