Sintomas ng panunuyo ng balat:
• Pakiramdam na nababanat ang balat, lalo na kung naliligo, o nag-swimming.
• Ang balat ay kumukulubot o kulang sa tubig (dehydrated)
• Ang balat at mukha ay magaspang sa pakiramdam.
• Nakararamdam ng sobrang pangangati.
• Pagkatuklap, pagbabalat, o pangangaliskis ng balat.
• Pagkakaroon ng guhit-guhit o pagbibitak ng balat.
• Pamumula.
Dahilan ng panunuyo ng balat:
• Air condition o heater – Ang direktang init at lamig gaya ng lutuang ginagamitan ng kahoy o gatong, o mga pampainit ay nakakapanuyo ng balat.
• Sobrang pagligo – Ang pagligo ng madalas gamit ang mainit na tubig ay nakakawala ng natural na moisture sa iyong balat. Gayundin ang paliligo sa swimming pool na may chlorine.
• Matatapang na sabon na pangligo at panlaba – Marami sa mga sabon ang nakaka-panuyo ng balat dahil sa matapang na anti-bacterial soap, shampoo at mga detergent.
• Pagbibilad sa araw – Gaya rin ng ibang uri ng init, ang araw ay nakakatuyo ng balat. Nasisira ng ultraviolet (UV) radiation ang unang layer ng ating balat. Ang balat na na-damage sa araw ay nakapagdudulot ng panunuyo.
Payo: I-moisturize palagi ang balat, gumamit ng mild soap, at limitahan ang oras ng pagligo.