Mahirap maging mangmang

Totoo kaya ang balita at hindi gimmick na maraming mag-aaral sa elementary sa Bikol ang hindi marunong magbasa ng Filipino o English?

Sabi nga, libu-libo raw sila!

Naku ha!

Ano ba ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga hindi raw marunong magbasa ay iyong mga students from Grade 1 to 6 at ang karamihan pa raw sa kanila ay iyong mga mahihirap.

Kawawang nilalang!

Dahil sa kahirapan madalas umano nahihinto sa pag-aaral ang karamihan sa mga batang mag-aaral sa eskuwelahan, ang iba naman ay malayo ang bahay sa kanilang mga pinapasukan at ang pagka-gutom ang isa raw sa pinakamalaking problema ng kanilang hindi pagpasok sa mga schools.

Ano ang ginagawa ng kanilang mga maestra na hindi marunong magbasa ang kanilang mga students?

Paano nakatungtong ito ng mataas na baitang kundi sa unang grado pa lamang ay hirap o hindi na marunong magbasa ang mga pobreng alindahaw.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro nakakasulat naman ang mga mag-aaral ng kanilang mga pangalan pero hanggang dito na lamang siguro ito dahil ano pa ang isusunod nilang isusulat kung hindi sila marunong magbasa?

“Kopyahin na lamang sa pisara ang isusulat ng mga teacher nila pero ang problema paano nila ito babasahin?” sabi ng kuwagong mangmang.

Ano ang ginagawa ng Department of Education tungkol sa mga bagay na ito?

Paano nakarating sa mataas na baitang ang mga students kung hindi o hirap silang magbasa?

Paano nga ba?

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, panahon na para pag-aralan ang sistema ng pagtuturo sa mababang antas. Kailangan sigurong tutukan ang quality ng education sa Philippines my Philippines.

Ika nga, bawasan ang mga pinag-aaralan sa mababang antas para ang mga bata ay hindi mahirapan at matutukan sa kanilang mga pinag-aaralan.

Sabi nga, dapat silang mag-focus sa kanilang mga pinag-aaralan tulad ng pagbasa at pagsulat echetera.

Ano sa palagay ninyo?

Laglag tayo sa reading comprehension o naiintindihan ba ng mga batang mag-aaral ang kanilang binabasa lalo’t English ito?

Paano sila nakapasa kung hindi sila marunong magbasa?

Ginawa ba silang yoyo ng kanilang mga maestra?

Abangan.

Show comments