Mag-ingat sa coronavirus!

Gulat na gulat ako nang magpunta kahapon sa isang pamilihan sa isang mall para sa mga gamit pambata. May mga discount kasi roon kaya dinagsa ng tao. Ang nakapagtataka ay bakit dala ng mga magulang ang maliliit nilang mga baby doon! At ang mga magulang naka-mask para siguro ‘di-makalanghap ng virus...pero ang anak nila walang proteksyon! Ewan ko ba.

Ang bagong novel coronavirus (nCoV), na kina­tatakutan ngayon nang maraming bansa, ay bagong uri ng virus na hindi pa alam kung saan nanggaling at kung ano ang gamot. Hindi naman kailangang ikamatay ito kasi kusa itong nalulunasan. Ang problema ay kung hindi ito maagapan at lumubha.

Ito ang mga impormasyon at babala na may kinalaman sa nCoV:

l Kahit anong mask ay puwedeng gamitin, hindi kailangan ang N95. Pero ito ay nasa hangin at ma­bagal ang bagsak sa lupa sakaling lumabas sa bibig ng may impeksiyon.

l Delikado ang bakal hawakan dahil nabubuhay ng mahigit sa 12 oras ang virus kapag ito ay kumapit sa bakal tulad ng cell phones, hawakan ng mga pintuan ng CR, hawakan sa bus, jeep, buka­san ng kotse, etc. Maghugas ng kamay o magdala ng alcohol parati. Namamatay agad ang virus kapag hinugasan o nilagyan ng alcohol.

l 6-12 oras ang tagal naman ng virus sa tela. Kaya palabhan ang mga damit.

l Sintomas ang pagtayo o pangangati ng lalamunan ng 3-4 na araw. Malaman na mauwi ito sa pneumonia sa 5-6 na araw. May lagnat at hirap sa paghinga parang nalulunod. Kumunsulta agad sa doktor sa unang sintomas pa lang.

l Para maiwasan: maghugas ng kamay o mag-sanitizer madalas. Buhay ang virus ng 5-10 minuto lang sa kamay pero maraming puwedeng daanan ng kamay sa palugit na ito.

l Magmumog din ng betadine solution throat gargle.

l Uminom nang maraming tubig at Vitamins C, D and K para mapalakas ang resistensya.

Sabi nga: lahat na, huwag lang sakit! Mag-ingat!

Show comments