Isang kaso na naman ito kung saan may mga sirkumstansiyang nagpabigat o kaya ay nagpagaan sa pananagutan ng akusado at nakaapekto sa parusang nakasaad sa batas.
Minsan, parehong may kasamang sirkumstansiyang nagpapabigat o kaya ay nagpapagaan sa krimen at magtatabla lang sa bawat isa.
Kaya ang parusang ipapataw ng batas ay hindi madadagdagan o kaya ay mababawasan.
May mga kaso rin na may tinatawag na mitigating circumstance pero hindi naman nababawasan ang parusa tulad na lang sa kaso natin ngayon.
Ang kasong ito ay tungkol sa love triangle ng tatlong tao na nauwi sa trahedya. Ang sangkot dito ay ang taksil na maybahay na si AA at ang mister niyang si BB.
Si CC na alalay na tinyente sa barangay ang kabit ni AA. Medyo matagal na rin ang relasyon ng dalawa pero walang alam si BB na buo ang tiwala sa kanyang misis.
Dahil gusto na nina AA at CC na magpakasal ay nagsabwatan sila para patayin si BB. Naghanda si CC ng pagkain ni BB na hinaluan ng lason at kinain naman ito ng pobreng lalaki.
Namatay si BB at pinagtakpan pa ni CC ang nangyari nang palabasin na inulat lang niya ang pagkamatay matapos bumalik sa bukid.
Kinuha ng tatay ni AA at biyenan ni BB ang bangkay ng manugang pati pinaalam ang nangyari sa mga opisyal ng munisipyo.
Sinuri ng medico-legal ang bangkay at kinumpirma na namatay sa pagkalason ang lalaki.
(Itutuloy)