ANG hipon ay mababa sa calories at masustansiyang alternatibong pamalit sa karne.
Mayaman ito sa protina, vitamin D, vitamin B12, Iron, phosphorus, omega-3 fatty acids, niacin, zinc, copper at magnesium.
Mga benepisyo ng hipon sa kalusugan:
l Ito ay low-fat at low calorie protein. Ang 4 ounces ng hipon ay nagsusuplay ng 23.7 grams ng protein para sa 112 calories lamang at mas mababang grams ng fat.
l Magandang pinagmumulan ng omega-3 fatty acids para mabawasan ang panganib sa sakit sa puso at kolesterol sa dugo.
l Posibleng mapagaan ang mga sintomas ng premenstrual syndrome.
l Pigilan ang pagdevelop ng rheumatoid arthritis.
l Tumutulong na maiwasan ang Alzheimer’s disease.
l Mayaman sa Vitamin D na kailangan sa pag-absorb ng calcium at phosphorus, para tumibay ang ngipin at buto.
l Mahusay na mapagkukunan ng vitamin B12 na mahalaga para sa tamang pag-andar ng utak at pagbuo ng mga selula ng dugo.
l Magandang pinagmumulan ng selenium. Pinahihina nito ang nakapipinsalang epekto ng free radical na pangunahing sanhi ng kanser.
Tips sa pagbili ng hipon:
l Ang sariwang hipon ay dapat matigas ang katawan na nakadikit pa rin sa kanilang mga shell.
l Dapat walang itim na mga spot sa shell nito. Kapag may spot, nagpapahiwatig na ang laman ay pabulok na.
l Pagkabili ng hipon ilagay agad ito sa refrigerator. Maaaring tumagal ng 1 hanggang 2 araw ang sariwang hipon.
l Maaaring i-extend ang shelf life ng hipon kung ilalagay sa freezer at balutin nang maayos sa plastic.
l Para i-defrost ang hipon ilagay ito sa mangkok ng malamig na tubig. Huwag i-microwave dahil mawawala ang nutrients.