Legalisasyon ng medical cannabis muling itinulak

BALAK ng isang kongresista na muling mag-file ng kanyang panukala para gawing legal ang mga medical use of cannabis o ‘marijuana’ sa Philippines my Philippines.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inum­pisahan ng pulunging muli ni Isabela Rep. Antonio  Albano, ang iba’t ibang mga stakeholder para maging batas na ang House Bill 279 o ang “Philippine Medical Cannabis Compassionate Act” upang talakayin ang muling pag-file ng kanyang panukala upang gawing legal ang mga medikal na paggamit ng damo este mali marijuana pala.

Ang House BiIll 279, ay nagbibigay ng right to access sa mga medikal na cannabis bilang isang alternatibong paraan ng medical treatment, na nagpapalawak sa pananaliksik sa kanyang medical properties. 

“Hindi pa tapos ang mga komite ngunit nais ko upang matugunan sa iyon kaagad nang sa ganoon ay magkaroon tayo ng dialogue sa ganoon ay magpakilala na rin kayo sa mga opposition ninyo sa Kongreso,” sabi ni Albano. 

Sabi ni Albano,  ang panukala ay hindi laban sa patuloy na digmaan ni Boss Digong laban sa ilegal na droga. 

“Hindi pagsuway sa kautusan ni Boss Digong ang itinutulak kong panukala humihingi ako sa kanya at nakikiusap na para sa mga may sakit na nangangailangan nito para makatulong sa kanila kaya naman umaasa ako na pumasa ang bill na ito.’

Sana suportahan ito ni Boss Digong at ng Senado para sa paggamit ng medical cannabis. 

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pulong ay dinaluhan ng mga parokyano at mga tagapagtaguyod ng Philippine Cannabis Compassionate Society,  na nagpatotoo sa pangangailangan para sa ligtas at madaling i-access ang medical cannabis sa Philippines my Philippines. 

Isang bebot ang nagsalita tungkol sa nangyari sa kanyang anak na babae na nakaranas ng hundreds of seizures every day kaya naman humingi sila ng payo ng apat na neurologist at nasubukan ang 11 medicines sa nakalipas na limang taon, ngunit walang nangyari sa mga ito.

Umaasa ang ina ng bata sa cannabidiol, isang compound galing sa cannabis plant upang makatulong sa dinadanas na seizures ng anak.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago, umaasa silang makakapasa ang bill ni Albano para makatulong ng malaki sa mga may sakit at nangangailangan nito dahil maraming makikinabang hindi lang mga bata kundi ang karamihan sa madlang Pinoy na may dinaramdam.

Sabi nga, pangpakalma!

May nakiusap din na ina ng anak niyang may sakit na sana pumasa ang batas na ito dahil ang utak ng batang anak niya ay hindi fully develop.

Ipinaliwanag ni Albano, na  libu-libong mga pasyenteng Pinoy na may mga malubha at debilitating diseases  ang makikinabang mula sa pagiging legal ng mga medical use ng cannabis.

Binanggit ni Albano, na ang 2012 report ng International Agency for Research on Cancer (IARC), na nagpapahayag na mayroong 98,200 bagong na-diagnosed na may kanser sa loob ng isang taon sa Philippines my Philippines habang ang 59,000 ay namamatay sa kanser taun-taon. Ngunit ang cancer treatment ay humahadlang, may malaking gastos ng gamutan mula sa P36,000 sa P180,000 para sa mga karaniwang anim na cycle ng chemotherapy. 

Ano pa ang inaantay ninyo?

Isulong na ito!

Abangan.

Show comments