15 Korean nationals na kinotongan sa Angeles City, ano nangyari?

ANO na kaya ang nangyari sa imbestigasyon tungkol ito sa 15 Korean nationals na kinotongan ng P9 million ng mga sinasabing BI intel group?

Mukhang gustong i-whitewash ang kaso?

Naku ha!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malalim ito at may matatanggal na hindi birong opisyal kapag nagkataon.

Nagsumbong at nagpadala pa ng sulat ang mga Koreano sa VACC at DOJ para bulatlatin ang tunay na pangyayaring ginawa sa kanila.

Sabi nga, dinala sila sa BI main office at tinakot na ikukulong kung hindi sila magbibigay ng salapi, ipapatapon, at tipong gagawan ng problema ang mga dokumento nila?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga ito ay pinakawalan din ng magkapagbigay diumano ng P9 million.

Tanong - Ano na ang nangyari?

Abangan.

Father’s Day, bow!

DAHIL sa “Father’s Day,” yesterday kanya-kanyang pa-utot este mali gimmick pala ang ginawa ng pamunuan ng Manila International Airport Authority sa mga terminals sa NAIA ganoon din ang Civil Aviation Authority of the Philippines dahil namigay ito ng munting alaala para sa mga erpat na mga pasahero ng eroplano.

Sabi nga, may mga Malasakit Help Desks ang CAAP at iba’t ibang pakulo ang ginawa yesterday.

Ika nga, maraming freebies at personal care products ang ibinigay ang MIAA at CAAP sa mga erpat passengers!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, namigay ng towels, portable battery operated fans, hand sanitizers, wet wipes, bottled water at mirienda. 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Malasakit Help Kit distribution ay pinangunahan ng CAAP-operated airports tulad sa Laoag, Tuguegarao, Puerto Princesa, Legazpi, Tacloban, Iloilo, Kalibo, Roxas, Bacolod, Bohol-Panglao, Dumaguete, Butuan, Laguindingan Airport sa Cagayan de Oro, Davao, Zamboanga, at General Santos.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang inisyatiba, ay pinangunahan ng DOTr Secretary Arthur Tugade, dahil gusto nitong ipakita sa madlang passengers ang pagpapahalaga para sa kanila sa pamamagitan ng mga ‘freebies’ para sa kanilang biyahe na mas maginhawa at kumportable. 

Ano ang masasabi ninyo ngayon?

Sagot - Mga erpat lang ang nakinabang?

Siempre, Father’s Day nga, bow!

Random drug test sa BI-NAIA

WALA pang hawak ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na PO from the Office of the BI Commissioner dahil nagka-sampalan este mali nagka-balasahan dito ngayon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami pa raw ang susunod na mapapalitan sa kani-kanilang mga puesto pero ang mga malalakas o may mga padrino ay hindi matatanggal kung hindi ilalagay din sa puestong maganda tulad ng nangyayari ngayon sa ibang nakatanggap ng PO.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lifted na ang COMELEC ban kaya naman ipinatupad na ang balasahan “to avoid familirity” daw?

Naku ha!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga inalis dito ay inilipat lamang sa ibang puesto within NAIA din.

Naku ha!

Ano ba ito, Mr. Castro?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may isang immigration official na adik-adik ang nailakad at inilagay pa sa magandang puesto dahil sa diumano›y padrino kaya naman tuwang-tuwa sa galak ang gago dahil hindi kasi biro ang puestong pinaglagyan niya ngayon.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kambiyo issue, totoo kaya may mga namamasahero ngayon sa NAIA T2 na isinasakay sa isang eroplano sa umaga na papuntang Gitnang Silangan?

Naku ha!

“Dapat sigurong sisirin ng malalim ng NBI ang kuento?” sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Sabi nga, bilang lang ang nakakaalam ng human trafficking operations?

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang “visa reader” diumano ang nagbulong sa kanila na go ang operasyon ng mga ganid?

“Noong isang linggo pa may namamasahero kaya nagtataka kami kung bakit ayaw tumigil ang mga hunghang. Sa NAIA T2 diumano ang operasyon sa umaga?” sabi ng kuwagong bumulong.

Samantala, nagtatalon sa tuwa ang isang Immigration official na nakakuha ng magandang puesto dahil sa padrino nitong bilyonaryong Fil-Chinese national.

May ginawa pa silang gimik para masabing new appointee siya sa puesto.

Naku ha!

Abangan.

Show comments