MARAMING produkto sa merkado ang mga naibebenta sa pamamagitan ng mga endorser. Ang mga endorser ay binabayaran. Ginagamit ang kanilang mga “personahe” sa anumang larangan na kanilang kinabibilangan.
Linawin natin, walang masama rito kung palalakasin lang ang produkto sa merkado kung bentahan ang pag-uusapan.
May mga kilalang endorser na mabenta at subok na sa milyones na kanilang mga tagasubaybay, tagahanga, tagasunod at umiidolo na anumang sabihin ng endorser, tiyak benta ang produkto. Subalit may mga produktong kinakailangan ng patunay at patotoo ng mga tumatangkilik. Sila ‘yung mga sinasabi nating simple at totoong tao na gumagamit, nabigyan ng lunas sa anumang uri ng karamdaman.
Hindi pinag-uusapan dito ang gamot, kundi herbal supplement, ang KING’s Herbal na 10 taong tinutukan ng BITAG Investigative Team. Pinag-aralan, sinuri at inimbestigahan ang mga simpleng taong ito na madaling hanapin.
Nitong Biyernes, umakyat ang BITAG Investigative Team sa Baguio sa Camp John Hay. Anim na BITAG investigative journalists, cameramen, researcher at ang inyong lingkod. Nakilala namin ang mga taong ito sa tulong ng distributor ng DCMI-KING’s Herbal sa Baguio na si Alice Pasyalen.
Isa sa apat na aming sadyang tinungo na gumagamit ng KING’s Herbal ay nakatawag ng aming pansin noong ito’y maging emosyonal, patapos na ang aking interview.
Dahil Ilokano ang kanyang mga sagot sa aking tanong, kinakailangan ko ng isang translator. Bigla na lang ito huminga ng malalim at umiyak. Napag-alaman naming anim na buwan niya palang ginagamit ang KING’s Herbal, naramdaman niya ang bisa nito.
Natigil ang aming interview nang hindi na niya napigilan ang pag-iyak. Nang tinanong ko sa aming translator kung bakit, ang kanyang sinabi ay kung ano raw ang kanyang nararamdaman ay ganoon din ang karamdaman ng kanyang mga kapatid. Dagdag niya, mapalad siya dahil may kakayanan siyang bumili ng KING’s Herbal food supplement, habang ang kanyang mga kapatid, walang pambili.
Ang aleng ito ay si Elizabeth Balian, isang magsasaka, nagtatanim ng gulay sa Benguet. Simple at totoong tao, hindi papansinin dahil hindi siya kapareho ng mga endorser.
Pero kung sinseridad ang pag-uusapan ay makikita mo ang katotohanan. Hindi nababayaran ang kanyang kuwento.