KATAWA-TAWA at hindi ko mawari kung ako’y maaawa sa mga bagong kiyaw kiyaw ni Senator Leila de Lima. Kasalukuyan itong nakapiit subalit pilit pa ring nagpapapansin.
Hinihikayat kasi niya ang mga kasamahan sa Liberal Party na ayunan at suportahan ang impeachment case na isinampa ni Magdalo party-list Representative Gary Alejano laban kay Pres. Rodrigo Duterte.
Hello! Umayaw na nga mismo ang LP para matigil na ang pagkakahati-hati at pagkukontra-kontra sa gobyerno.
Hirit ng senadora, tungkulin ng mga opisyal na makipagtulungan sa mga aktibidades para sa kapakanan ng taumbayan.
Dahil ang mamamayang Pilipino ang nagluklok sa kanya at mga kaalyado, dapat daw silang makipagtulungan sa impeachment case na ito. Sabi ng LP, magiging hadlang lang ito sa progreso ng bansa!
Ano kaya itong nakikita ni Senador De Lima at ipinagpipilitan ang kanyang pananaw sa LP na dapat magtulungan sa impeachment case laban kay Duterte?
Hindi pa ba malinaw sa iyo Senator, na mga kasamahan mo na ang nagsabing may mas importanteng bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa diyan sa sarsuwelang kaso-kaso na iyan?!
Eto pa, tila nangungonsensiya ang magaling na senadora. Sabi niya, kailangan nilang tuparin ang sinumpaang tungkulin sa taumbayan kaya dapat lang na suportahan ang hakbang na patalsikin ang Presidente.
Ako’y napapaisip talaga. Ang ipinaglalaban kaya ni Senator De Lima ay talagang adbokasiya, gawa ng pagkabagot, resulta ng malikhaing imahinasyon o inaatake na ng kombulsiyon?
Baka naman nangangarap ka pa din Senator na feeling mo ay nasa limelight ka pa rin? Alam ko naman ‘yun na ikaw ang dating “darling of the media”.
Pero iba na ngayon. Sabi nga digital na ang karma, kaya payo ko lang, awat na!