Ang baseball ay popular na laro sa Amerika. Pag sinabi ng tagahatol na nakatatlong strikes ka na ibig sabihin tanggal na. Inaprubahan na kahapon ng Commission on Appointments (CA) ang 3-strike rule para sa high government officials. Layunin nito na kapag ang isang itinalaga ng Presidente sa kanyang Gabinete ay dapat pumasa sa CA bago siya maging permanente sa anumang mataas na puwesto sa gobyerno. Ako ay sumasang-ayon sa CA sa kanilang mga alituntunin dahil ang Presidente ay puwedeng magtalaga ng kahit na sino na naaayon sa kanyang gusto. Kailangan nating tandaan na ang CA ay constitutional office at hindi puwedeng pakialaman ang kanilang magiging hatol.
Kahapon lang laman ng balita ang 3-strike rule. Matagal na itong polisiya pero hindi pa naipapatupad ayon sa CA chairman na si Sen. Koko Pimentel. Itong bagong alituntunin ay puwede nang ipatupad at hindi pwedeng balewalain ng Presidente. Ayon sa ilang senador marami nang nangyari sa nakaraan. Marami nang itinalaga ang Presidente na hindi pumasa sa CA members.
Maganda ang 3-strike rule na binuo ng CA. Magkakaroon ng botohan kung kailangang pumasa ang isang taong itinalaga ng Presidente. Hindi na dapat ibalik ang mga taong hindi pumasa sa CA. Dapat pag-isipan ng Presidente na ang kanyang mga ilalagay sa puwesto sapagkat merong 104 million na Pilipino at meron isa ritong papasa sa CA.
Sigurado ako na marami pa rin tayong kababayan na puwedeng maging miyembro ng Gabinete. “Nobody is indispensable in this world.”