Orosa et al hanap ng SSS

MATAGAL na palang hinahanap ng mga taga - SSS at binalik-balikan pa nila ang kinatitirikan ni Ramon Orosa, Patrick Orosa and company dahil umabot na diumano sa P66 million plus penalties at interest ang pagkakautang nila na sinisingil.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangkaterbang mga tauhan ng Sun and Shield Security Agency Inc., Broadway Centrum, QC, ang nag-iiyakan tungkol ito sa SSS premium contributions nila na hindi naibayad ng tama ng mga ito.

‘Kakapusin ang kolum ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO.’

Abangan.

Gift giving ng condom sa QC supalpal
HINDI sumagot ng matamis na ‘yes’ ang Kyusi government dahil susupalpalin nila ang ‘gift giving’ ng condoms sa mga public schools kahit na may basbas o go signal ang Department of Health this coming school year.

Sabi nga, huwag ipilit ang gusto?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umiiling-iling ang DOH sa decision making ng Kyusi government na dehins sila papayagan sa kanilang ambisyon na magbigay ng condoms sa mga public schools.

Ika nga, hindi uubra ang kapritso sa condoms. Hehehe !

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, puede as in ok kung sa Kyusi health facilities ibibigay ang condoms at sila ang mamahagi nito pero sa eskuelahan ay dehins sila payag.

Ika nga, kwidaw!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na dreaming pa naman ang DOH na ang pilot tested nila ay ang Kyusi pero ito ay kinontra agad ng mga kritiko dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, balak kasi ng DOH na mamigay ng mga condoms sa mga schools hindi lang sa Kyusi kundi maging sa Philippines my Philippines.

Abangan.

• • • • • •

Mayor Timmy Chipeco, help them!

GUSTONG iparating ang reklamo ng ilang vendors kay Calamba Mayor Timmy Chipeco para inguso ang isang mangongotong na diumano’y traffic enforcer na madalas magpahirap sa kanila dyan sa Barangay 1, sa may riles ng tren sa Calamba, Laguna.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hinahataw ng isang alyas ‘kanta,’ diumano’y traffic enforcer daw dyan sa Calamba Traffic Management Office ang mga vendors sa riles.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi nga, araw-araw, gabi-gabi ito ginagawa ng ma­ngongotong.

Ayon sa sumbong ng mga vendors, kung hindi sila magbibigay ng pera sa ‘kotong king’ ay tinatakot silang gigibain at kukumpiskahin ang kanilang paninda. Take note, Nimfa Cervantes, ng Public Order and Safety Office at Emie Reyes, pakibusisi ang isinusumbong.

Ika nga, utang ang kanilang kapital.

Sabi nga, ‘5-6.’

‘Pati pangalan ni Mayor Chipeco ay nakakaladkad sa ginagawang ‘kotong’ system ngayon sa may riles.  Hindi anila biro ang nakukuhang salapi ng mangongotong dahil marami-rami rin silang vendors dito sa gabi.’ sabi ng mga kuwagong sumbungera.

Abangan.

 

Show comments